• Home
  • Fresh Scoops
  • Former beauty queen Joyce Ann Burton inaming maraming nawalang project noon dahil sa kanyang pagiging pasaway.

EXCLUSIVE: Former beauty queen Joyce Ann Burton hindi nahihiyang aminin na ‘sobrang pasaway dati’

Former beauty queen Joyce Ann Burton inaming maraming nawalang project noon dahil sa kanyang pagiging pasaway.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/08/2017 10:29 AM
EXCLUSIVE: Former beauty queen Joyce Ann Burton hindi nahihiyang aminin na ‘sobrang pasaway dati’

 

Natatandaan pa ng former beauty queen at 1985 Binibining Pilipinas Universe na si Joyce Ann Burton na gumaganap na ina ni JC de Vera sa The Better Half series ng ABS-CBN kung bakit hindi siya naging successful sa attempt niyang mag-showbiz noon after her reign.

Kuwento ni Joyce Ann, “After Binibini, nag-try akong mag-acting but then I was not… yung ugali ko noon, there was something wrong with me?


“And because of that, hindi naging successful ang aking attempt because I was young and prideful.”

Palagi rin daw siyang nagiging sakit ng ulo sa set dahil very late kung dumating.

“I had a lot of bad habits. Like I would always be late, okay yung late na alam mong mali, eh, ako late na nga pero feeling ko may right pa ako. Tapos wala pa akong sorry.

“I don’t know if primadonna is the right word but pagdating sa late-late don lumalabas yung sungay ko,” pag-amin pa ng dati ring Miss Young Philippines.

Dahil daw sa kanyang attitude problems ay marami rin siyang nawalang magagandang opportunities noon.

“Because nga I had my issues, I lost a lot of opportunities. And then I had a family. Of course, when you have family you need to devote your time to that so I spent lot of time with my family.”

Wala ba siyang regret na naging pasaway siya noon?

“I think, they are the constructive regret because hindi lang siya yung sasabihin mong regret and then wala ka nang nagawa. Yung regret na na-experience ko became part of my journey because that gave me the impetuous to be a better worker, a better person,” katwiran ni Joyce.

Dagdag pa niya, “Wala naman akong problema sa respeto kas marunong naman akong rumespeto ng mga nakakatanda sa akin, pero sa totoo lang, pag-late ka, version yon ng disrespect, di ba? So, parang I learned from that.

“I know, we should not live with regret but being human, it’s impossible not to feel it, right? So, the best way to fight that regret is do something about it. Don’t just sit there and feel bad.”

Kahit 1985 pa nanalo si Joyce Ann sa Binibining Pilipinas ay napapanatili nito ang regal look ng isang beauty queen.

“Mahirap kasing mawala ang training… mahirap mawala yoh, eh,” sambit niya.

“Kasi it involves a lot of discipline and just the whole posture thing, because a lot of people tell me nga, my posture daw up to this day is parang tulad pa rin ng dati. Kasi nga, it’s hard to unlearn and to forget the training.”

Kasama ng ibang beauty queens, paminsan-minsan ay nagsasagawa rin si Joyce at ang mga kasamahan niya ng charity works.

“We still see each other up to now, yung mga ka-batch ko.  We do charity works together. I have a group of beauty queens called Beyond Beauty kasama sina Dang Cecilio, Desiree Verdadero, Patty Betita, Melanie Marquez,” kuwento pa niya.

Memorable experience naman para kay Joyce ang makatrabaho sina Carlo Aquino, Denise Lauren, Shaina Magdayao at JC de Vera sa The Better Half.

“I will surely miss them. Ang gaan-gaan nilang katrabaho. Sad that our teleserye has to end,” pagtatapos ng former beauty queen.