‘Ang Larawan’ paints a different picture for the movies

‘Ang Larawan’ set have an original soundtrack album.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/08/2017 10:23 AM
‘Ang Larawan’ paints a different picture for the movies
Phtoto credits to racheljalejandro IG

 

Present sa naganap na contract signing ang ilan sa mga bumubuo ng album na Ang Larawan na sina Celeste Legaspi, Rachel Alejandro, at Ryan Cayabyab at Star Music executives. Ito ay para sa pinakahihintay na historical at cultural movie na Ang Larawan na base sa obra ng national artist for Literature na si Nick Joaquin.

Sa pangunguna ng Star Music, magkakaroon ng orihinal na soundtrack ang proyekto na bumilang ng ilan taon sa paghahanda.

Dahil dito, nag-uumapaw na kaligayagan ang nararamdaman ng iconic singer na si Celeste Legaspi.

"Actually ang preparation namin for this took four years. Sobrang nag-uumapaw na kaligayahan is way to describe it."

Gaya ni Celeste, masayang-masaya din para sa tiwala ng Star Music ang singer na si Rachel Alejandro.

 

Catch us on MOR 101.9 this Wed at 3pm and be one of the first to hear Kahapon, Ngayon at Bukas. @starmusicph #anglarawanmovie

A post shared by Rachel Alejandro (@racheljalejandro) on

"It's been seven years since my last recording natutuwa talaga ako na, wow, I'm back!"

Bukod sa Ang Larawan official soundtrack, plano din ipalabas ang Ang Larawan sa 2017 Metro Manila Film Festival na isa sa pinakamagandang regalo ayon kay Celeste Legaspi.

"Sa December? December 25? Definitely! Magandang pamasko yan sa aming lahat at sa madlang Pilipino rin!" pahayag pa ni Celeste.