• Home
  • Fresh Scoops
  • Makakasama ni Cora Waddell si Christian Bables sa kanyang launching movie

Cora Waddell ilo-launch ng Regal Entertainment sa ‘Recipe of Love’

Makakasama ni Cora Waddell si Christian Bables sa kanyang launching movie

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/07/2017 10:00 AM
Cora Waddell ilo-launch ng Regal Entertainment sa ‘Recipe of Love’

 

Ilo-launch na ng Regal Entertainment si Cora Waddell bilang lead star sa pelikulang Recipe of Love kapartner si Christian Bables.

Nakita ng Regal ang potensyal ni Cora bilang artista sa unang pelikulang ginawa nito sa kompanya–ang Woke Up Like This na pinagbidahan nina Lovi Poe at Vhong Navarro na kumita ng more than P60 million.


Kuwento ni Cora sa PUSH, sobrang pasasalamat niya sa pagkakataong ibinibigay sa kanya ng Regal.

“Kahit support lang ako sa Woke Up Like This, I’m still thankful. Do’n kasi nag-start lahat.

“I was just talking to Mother Lily, sabi ko, 'Alam mo, sobrang grateful po ako na napunta po ako sa inyo... I admire woman in the industiy na hindi nagko-confirm sa expectations ng industriya. She's independent, strong and successful woman.

“So sabi ko, 'Suwerte ko that I can learn from someone like her.”

Dagdag pa ni Cora, “Actually, yung filming namin, halos sabay-sabay. I have to give my best kasi ito yung pinaka-first leading role ko at yung kasama ko ay award-winner.

“So sabi ko, I have to step it up! So yun ang ginawa ko and very excited na rin ako na mag-uumpisa na yung promo for that.”

Kahit aminadong napi-pressure sa pagbibida, excited din daw siya sa team-up nila ni Christian sa Recipe of Love.

Hindi ba siya na-intimidate sa award-winning actor?

Aniya, “When I found out na siya 'yung leading man ko, pinanood ko talaga yung Die Beautiful. Para makilala ko at mapanood ko kung paano siya umarte. Kasi siyempre, kakaiba yung role na yon.

“Nu'ng nalaman kong award-winning siya sa role na yun, sabi ko, ‘Okay, I have to take it very seriously, itong job na ito,’” kuwento pa ng dating PBB housemate.