• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy pa din ang concert ni Bamboo sa Houston, Texas na nasalanta ng bagyong Harvey.

Bamboo magbibigay saya sa mga Pinoy na sinalanta ng bagyong Harvey

Tuloy pa din ang concert ni Bamboo sa Houston, Texas na nasalanta ng bagyong Harvey.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/07/2017 02:44 PM
Bamboo magbibigay saya sa mga Pinoy na sinalanta ng bagyong Harvey

 

Biyaheng America ngayon ang singer at The Voice of The Philippines coach na si Bamboo para sa isang series of concerts sa ilang parte ng America kung saan nakatakda niyang makasama ang dalawa na The Voice of the Philippines alumna na sina Elha Nympha at Morissette Amon.

Kabilang sa mga lugar na kasama sa concert tour ang Houston, Texas na nasalanta kamakailan ng Hurricane Harvey.

"I've been waiting for this. Matagal na ako naghihintay na makasama ang mga kababayan natin. Matagal din namin plano ito eh ilang rehearsals na din kami. And after the big storm in Houston, that show’s a go. We're still going to do that, It's going to be tough nga kasi ang venue namin parang ginawang evacuation center pero by next week or in two weeks okay na siya," ani pa ng singer.

Ayon kay Bamboo, magandang pagkakataon umano ito upang makapagbigay ng kaunting saya kahit papaano sa mga Pinoy na naninirahan doon.

"It's sort of to cheer the community there as well. Yun ang thinking namin sa ngayon kaya kumabaga may purpose din ang show," sabi pa ni Bamboo.

Kahit na halos isang buwan mawawala sa Pilipinas, pinaghahandaan naman din ni Coach Bamboo sa kanyang pagbabalik bansa ang isang pamaskong regalo para sa kanyang mga taga subaybay.

"I know it's the ber months, so by the time I get back it will be playing enjoy the song and the surprises we have left. Every year naman kasi may ginagawa akong Christmas show na we do it for love talaga. There is this Christmas song na we've been doing for five years na talaga so sabi namin it’s time na gumawa kami ng sarili namin version nito," pahayag pa ni Bamboo.

 

Special thanks to our sponsors @flypal and #lewislaw for being a part of "The Oven" 2017 US Tour 🔥🔥🔥😊

A post shared by NY Entourage Productions (@nsyshows) on

Mag-uumpisang mapanuod ang The Oven US Concert Tour ni Bamboo ngayong September 8, sa Santa Ynez, California.