• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Maja Salvador, parte na ito ng paggawa ng teleserye.

Maja Salvador, sugatan sa ‘Wildflower’

Para kay Maja Salvador, parte na ito ng paggawa ng teleserye.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/06/2017 12:20 PM
Maja Salvador, sugatan sa ‘Wildflower’

 

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Maja Salvador sa malaking tagumpay ng kanyang hit primetime teleserye na Wildflower.

Dahil sa markado ang kanyang pagganap sa kanyang papel bilang si Ivy Aguas at Lily Cruz, idolo ngayon si Maja ng LGBT Community.


"Yes, nape-pressure nga ako eh. Siyempre iba kapag love ka ng mga beki dahil love ko din sila kung di niyo naitatanong," sabi ni Maja.

Kapalit ng tagumpay at trending na mga intense na eksena ang sakitan sa pagitan nilang mga bida sa teleserye na ayon kay Maja ay bahagi talaga ng kanilang trabaho.

"Bagong eksena namin ito, andaming mga pasa-pasa. Siyempre mga sugat pero wala, part yan. Nangyayari talaga yan at di mo mapipigilan at saka ako rin ilang beses na ako nakakasakit sa kanila," kuwento pa ng aktres.

Dahil sa demanding sa oras ang teleserye, pass muna daw si Maja sa ibang projects upang mabigyang pansin ang kanyang karakter.

"Ang hirap po tumanggap ng pelikula eh may mga offers pero siguro tingnan natin after Wildflower po. Iba ang dedication ko ngayon kay Ivy at Lily," pahayag pa ni Maja.

Para kay Maja, sulit umano ang lahat ng pagod at sakripisyo para sa magandang ratings at trending comments ng netizens.

"Salamat! Kasi talagang minamahal kami ng mga tao, yung ating nga kapamilya. So we are very thankful at masuwerteng masuwerte kami at grabe ang pagtutok at pagsubaybay nila sa amin sa Wildflower."

Sa ngayon puspusan ang paghahanda ni Maja para sa inaabangang book three ng Wildflower kung saan aasahan ang bakbakan nila Ivy at Emilia.