• Home
  • Fresh Scoops
  • Raquel Pempengco natuwa sa efforts ni Jake Zyrus na makipag-ayos sa kanya

Ina ni Jake Zyrus, boto ba sa kanyang girlfriend?

Raquel Pempengco natuwa sa efforts ni Jake Zyrus na makipag-ayos sa kanya

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/06/2017 07:16 PM
Ina ni Jake Zyrus, boto ba sa kanyang girlfriend?

 

Matapos ang naging pahayag ni Jake Zyrus sa kanyang I Am Jake Zyrus concert presscon tungkol sa kanyang plano na pakikipag-ayos sa kanyang ina na si Raquel Pempengco, agad nakapanayam ng PUSH at ng iba pang entertainment press si Mommy Raquel sa pamamagitan ng isang phone interview. Kasalukuyan itong naninirahan sa probinsya ng Quezon.

Read: Jake Zyrus umaasa padin na maging maayos ang relasyon sa kanyang Mommy Raquel


Ayon kay Mommy Raquel, buong-buo pa din ang kanyang suporta para sa kanyang anak kahit na mayroon silang hindi pag kakaunawaan. Aniya, willing din umano siyang manuod ng concert nito kung sakaling imbitahan siya ng kanyang anak.

"Lagi ako nakasuporta. Kung iimbitahan niya ako at kung siya magsasabi sa akin na 'Mommy halika manood ka mayroon ako ticket para sa iyo. Doon ka sa front seat', magkakandarapa talaga akong magpunta doon. Kilala ako ng mga anak ko, always supportive ako sa kanila kung ano gusto nila gawin," sabi pa ni Mommy Raquel.

Dagdag pa ni Mommy Raquel na naging emosyonal sa phone interview, masaya siya sa mga magandang intensyon na ito ng kanyang anak.

"Bilang ina, lagi ako naghahangad na mangyari nga po iyon. Kahit na hindi nangyari ang MMK naghahangad pa rin ako na bumalik siya bilang anak."

Aminado si Mommy Raquel na nasaktan siya sa naging episode ng Maalaala Mo Kaya noong August 26 kung saan naging malaking kuwestyon ang kanyang kapasidad bilang ina.

 

"Bilang ina, nasaktan po ako sa naging episode ng MMK. Pero siyempre bilang ina din po, kinakalimutan ko iyon para sa ikatatahimik ng pagsasama ng pamilya namin. Kasi tatlo na lang kami, kami pa ba ang magkaka watak-watak?" sabi pa nito.

Bukod sa usapin ng relasyon nila bilang mag-ina, ikinatuwa din ni Mommy Raquel ang naging effort ng girlfriend ngayon ni Jake na si Shyre Aquino sa pakikipag-communicate sa kanya.

"Nakausap ko na po siya [Shyre Aquino], kahit po hindi pa po siya pinapakilala sa akin ni Charice [Jake Zyrus]. Dahil mismong si Shyre po mismo ang nag-message po sa akin sa Facebook na siya na din po nagsabi na girlfriend nga siya. Ang sinabi ko na lang sa kanya, 'Hindi ako tutol sa inyo pero ingatan mo na lang ang anak ko at ikaw na ang bahala sa kanya.' Yun po ang naging usapan namin," pahayag pa ni Mommy Raquel.

Sa ngayon malaking katanungan pa din kung manunuod nga ba si Mommy Raquel sa concert ni Jake Zyrus.