• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim reacts to speculations about his relationship with Kim Chiu.

Did Kim Chiu and Xian Lim unfollow each other on Instagram?

Xian Lim reacts to speculations about his relationship with Kim Chiu.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/06/2017 10:18 AM
Did Kim Chiu and Xian Lim unfollow each other on Instagram?

 

Hawak pa ang kanyang tropeo bilang 2017 Star Awards Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang Everything About Her, sinagot ni Xian Lim ang balita kung totoo ba na in-unfollow nila ni Kim Chiu ang isa’t-isa sa Instagram.

Natawa si Xian at nilinaw ang lahat.


"Huwag niyo papansinin iyung Instagram. Everything’s okay with me and Kim," sabi ng aktor.

Dagdag pa ni Xian na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Kim.

"Walang problema, wala wala. ‘Wag niyo sineseryoso ang Instagram, guys. Me and Kim are okay Thank you!" sabi pa ni Xian.

At dahil award winner na si Xian, kaabang-abang ang bago niyang tinatapos na pelikula under Star Cinema.

"Mayroon po kami kakaibang pelikula under Star Cinema. Kasama ko si Coleen Garcia. Malapit na matapos, abangan nila. We are very excited for a different kind of love story," pagtatapos ni Xian.