• Home
  • Fresh Scoops
  • Unang TV appearance ni Jennifer ang kanyang pagsali sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime noong August 16.

Miss Q&A contestant Jennifer Collins malubhang naaksidente at nawalan ng binti

Unang TV appearance ni Jennifer ang kanyang pagsali sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime noong August 16.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/05/2017 11:23 PM
Miss Q&A contestant Jennifer Collins malubhang naaksidente at nawalan ng binti

Malubha ang natamong aksidente ng Miss Q&A contestant na si Jennifer Collins matapos mabangga ang sinasakyan niyang tricycle ng isang rumaragasang jeep noong August 31. Isang kaibigan ng contesera na si Jam Arenas sa Facebook ang nagbalita na na-amputate ang binti ni Jennifer at nasemento naman ang kabila pa niyang binti.

“Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing at mukang naka droga pa daw po. Umabot na po sa puntong halos mamatay na siya at kailangan ng putulin ang isa nyang binti (RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT). Malaking Pasasalamat pa din sa Diyos na siya ay binigyan ng panibagong buhay,” ani Jam.

Si Jayson Jiz Ortega sa tunay na buhay, tumatayong breadwinner si Jennifer ng pamilya. Bukod sa pagiging kontesera ay may iba pa siyang mga ‘raket’ tulad ng pagiging freelance real estate agent, choreographer at taga-gawa ng mga costume.


Ang kanyang unang TV appearance ay ang kanyang pagsali sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime noong August 16.

Ang mga kaibigan ni Jennifer sa LGBT community ay humihingi rin ng pinansyal na tulong para sa kanyang mabilis na recovery at makapagsimula itong muli kahit pa meron na itong kapansanan.