• Home
  • Fresh Scoops
  • Maraming beses na daw na nag-reach out ang singer sa kanyang ina.

Jake Zyrus umaasa padin na maaayos ang relasyon nila ng kanyang Mommy Raquel

Maraming beses na daw na nag-reach out ang singer sa kanyang ina.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/05/2017 06:42 PM
Jake Zyrus umaasa padin na maaayos ang relasyon nila ng kanyang Mommy Raquel
Photo credit to JakeZyrus IG/ Raqz Pempengco FB

 

Matapos ang kontrobersyal na episode ni Jake Zyrus sa Maalaala Mo Kaya game na game na sinagot ng singer ang mga naipong katanungan tungkol sa kanyang tell all life story.

Sa naganap na media conference ni Jake, para sa nalalapit niyang concert na I Am Jake Zyrus na gaganapin sa darating na October 6 sa Music Museum, isa isang sinagot ni Jake ang mga katanungan na ito sa kanya, kabilang na ang estado ng relasyon niya ngayon sa kanyang mommy na si Raquel Pempengco matapos ang controversial MMK Episode.

 

#MMKJakeZyrus, mamayang gabi na pagkatapos ng Little Big Shots! #MMK25

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

"Yung mom ko, it will take a little more time. I know some of you won’t understand pero kasi mas kilala ko po sila pero siyempre we’re going to be fine," paglalahad ni Jake. 

Kasalukuyan mang inaayos ang naging hidwaan nila ng kanyang Mommy Raquel, aminado si Jake na gumagawa siya ng effort privately upang muling maging mabuti ang relasyon nilang mag ina.

"Ang sa akin po kung mangyari man na mag-reach out ako sa kanila, I don't  think na people have to know kasi ayoko na na po i-post pa sa Facebook if I reach out to them. There's so many times na I reached out to them at talagang hindi nalalaman ng tao," paliwanag pa ni Jake. 

Sa nalalapit naman niyang concert ngayong October 6, umaasa si Jake na maging maayos na ang kanilang pamilya at ayon pa sa singer ay naghanda siya ng isang special song kung sakaling dumating nga ang kanyang Mommy Raquel.

"Actually andaming inspirational songs hindi naman mawawala yun pero siyempre part yun, mahilig ako sa ganun kapag concert, dedicated sa ganito, dedicated sa fans so definitely mayroon," pagtatapos na pahayag ng singer.