• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki ang pasasalamat ni Devon dahil nabigyan siya ng chance na magbida sa isang Korean film.

Devon Seron bukas ba na makasama sa isang project si James Reid?

Malaki ang pasasalamat ni Devon dahil nabigyan siya ng chance na magbida sa isang Korean film.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/05/2017 06:03 PM
Devon Seron bukas ba na makasama sa isang project si James Reid?

 

Hindi maipaliwanag na kasiyahan ngayon ang nararamdaman ni Devon Seron na isa sa mga bida sa Korean movie na You With Me kung saan makakasama ni Devon ang dalawang Korean Actor na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung.

 

#youwithmemovie0927 @hyunwoo0118 @devonseron @j.t_k1124 ❤️


A post shared by You with me (@youwithmemovie) on

Sa panayam na ito naibahagi ni Devon kung paano niya nakuha ang role para sa Korean movie.

"Hindi po talaga ako part ng auditionees and nalaman ko na lang po talaga yung movie through my friend and ni-recommend po talaga niya ako," excited na kwento ni Devon.

Dahil aminadong fan ng Korean movies, sinabi ni Devon na talagang pinagdasal niya na makuha niya ang role.

"Yes fan po ako ng mga stories nila, yung mga characters po nila at kung paano sila nag po-portray. Iba po kasi talaga," paliwanag pa nito.

Ani pa ng dalaga, open din daw umano siya kung sakaling may mag-offer muli sa kanya ng role sa Korean films.

"Sa ngayon po, wala pa, concentrate muna ako sa film na ito, pero kung meron po mapa-Korean man o dito sa atin, tatanggapin ko po."

Bukod sa oportunidad ng international films, bukas din kaya si Devon sa pagkakaroon ng movie project sa kanyang minsang naging ka-love team na si James Reid?

"Oo naman po. Hindi naman po ako namimili ng project, kung ano man ang dumating na blessings. Kung trabaho po siya, professional naman po ako and and hindi naman po kami magkaaway. Sa akin po wala po talagang problema, pareho po kaming mga artista. Hindi naman din po siya imposible," pagtatapos na pahayag ni Devon.

Ipapalabas ang You With Me ngayong September 27 sa mga sinehan nationwide.