Sa latest episode ng Gandang Gabi Vice kung saan na-interview ang The Better Half stars na sina JC de Vera at Carlo Aquino, naitanong ni Vice Ganda ang nagging relasyon ni Carlo kay Angelica Panganiban noon. Nagka-trabaho ang dalawa sa G-Mik at Berks.
Inamin ni Carlo na tumagal ng six years ang kanilang relasyon.
"Siguro kung medyo matanda-tanda kami noon, kami na talaga ang nagkatuluyan,” ani Carlo.
“Matyaga kasi ‘yun eh,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang single si Angelica samantalang nasa isang relasyon si Carlo sa isang non-showbiz na babae.
WATCH: Is Angelica Panganiban the greatest love of Carlo Aquino?