• Home
  • Fresh Scoops
  • Idi-direk ni Cathy Garcia-Molina ang bagong movie ng Sharon-Robin under Star Cinema.

Sharon Cuneta at Robin Padilla bibida sa isang rom-com movie

Idi-direk ni Cathy Garcia-Molina ang bagong movie ng Sharon-Robin under Star Cinema.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/04/2017 06:58 PM
Sharon Cuneta at Robin Padilla bibida sa isang rom-com movie

 

Matapos ang naging tagumpay ng Ang Pamilyang Di Lumuluha na unang napanuod sa 2017 Cinemalaya, muling magbabalik ngayong September 6 sa big screen ang drama comedy indie movie.

"Sobrang grateful ako sa Star Cinema, kay Tita Malou (Santos) for loving our movie pero alam mo hindi lang basta love yan, naniniwala ako kay Direk Mes De Guzman, who came up with the project na nung pinanuod ni Tita Malou during the gala night eh talaga ng nagustuhan niya," sambit ni Sharon. 

Dahil sa naging masayang experience sa kanyang unang indie movie, aminado si Sharon na uulit siyang muli sa paggawa ng independent films.

"Sana! Depende din you know everything depends on the story whether it's a big production company like now, I work with real independent film makers, iba ito talaga. We experienced yung pagka limitado ng budget but it is so well done and I'm so impressed and amazed sa talento ni direk Mes, who directed and also wrote it, so nung nakita ko yung kabuuan ng movie noong gala naloka talaga ako," kwento pa ni Mega. 

Bukod sa nalalapit na pagbabalik sa big screen ng Ang Pamilyang Di Lumuluha, magbabalik muli si Shawie sa paggawa ng rom-com, kung saan makakasama niya ang kanyang original na ka-love team na si Robin Padilla.

 

Noon, iba ang dahilan ng pag-iyak ko tuwing naiisip kita, lalo nung kinailangan nating magkalayo ng bigla at di ko inaasahan... Ngayon, tuwing naisip kita naiiyak ako sa tuwa...kasi Ikaw Lang ang lagi ko pa rin naaasahan...kahit ang movie kong bago pinanood mo, nagpapicture ka sa tabi ng poster, at nagpost ka pa ng puri para sa maliit namin pero minamahal na movie... hanggang sa nabilanggo ka, sa sulat mo sa akin, sa ilang beses sinubok mong bumalik sa akin, sa tatoo mo (huwag mong mabura-bura yan. Di nila alam ang pinagdaanan natin baka dumanak ng dugo!)...nung namatay si Mommy ko, Ikaw lang ang nagpunta ng 2 beses. Iba nagtext lang kahit pa ang laking parte nila ng buhay ko... masaya ako at tahimik na ang buhay mo ngayon... na maligaya ka na at nandyan ka pa rin para sa akin... isa sa pinakamatalik kong kaibigan na lagi kong mamahalin, at alam kong hanggang sa huling hininga mo mamahalin ako... Maraming salamat, Robin ko. Tumanda na tayo kambal pa rin. Di bale - nahalata mo ba ganun pa rin itchura natin konting nag-age lang? Hahaha! Iba genes na minana natin! Alam ko nandyan ka lang palagi... ako rin. Pag may gusto nga ako ipabugbog Ikaw ang naiisip ko pagsumbungan eh! Alam mo naman yung di nila alam na kayo Lang ni Boss Vic ang may alam - hoodlum din ako. Pasensya na anak ni Ambo eh! Hahaha! Thank you again, my Robin. Love u always. Sharon (utang na loob tigilan mo na yung kakatawag sakin ng "Ma'am" at muntik na tayo Ikasal - ampanget! Hahaha! ❤️😘💕 @robinhoodpadilla

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

"Yes with Robin, my Robin. Siya na po ang leading man ko na hindi ko ma announce noon pero may go signal na ngayon. Napakasaya po ng pelikulang ito. It's a romantic comedy movie, na alam kong makakagaan sa ating lahat kapag napanuod dahil maganda yung istorya and is directed by Cathy Garcia- Molina." 

Ayon kay Sharon looking forward siya na makatrabaho si Direk Cathy na una niyang nakasama noon sa ilan sa kanyang pelikula.

"Fan ako ni Direk Cathy kasi she's the assistant director of Olivia Llamasan in Madrasta and yung Minsan Kitang Minahal, na movie namin ni Richard and now she's directing me. I love her so much. I'm so proud and I love all the movies she has made," sabi pa ng aktres.  

Samantala nagbigay pahayag din si Sharon sa naging palitan nila ng mensahe sa Instagram ng kanyang dating kapareha na si Gabby Concepcion na nagpadala ng Durian sa kanya.

Read: Sharon-Gabby fans kilnilig sa post ng Megastar sa Instagram

"Nagulat nga ako jusko! Dapat nga sinabi ko nalang kay KC na mag-thank you ako sa papa niya. Minsan nalilimot ko na public property pala kami na we belong to them, pero yun nga hindi ko din alam kung bakit (may durian) pero thankful ako," pagtatapos na pahayag pa ni Sharon.