• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor and Vilma Santos receive Lifetime Achievement Awards at 33rd Star Awards for Movies

Nora Aunor and Vilma Santos receive Lifetime Achievement Awards at 33rd Star Awards for Movies

Panalo naman ng Best Actor ang Kapamilya star na si Daniel Padilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/4/2017 9:24 AM
Nora Aunor and Vilma Santos receive Lifetime Achievement Awards at 33rd Star Awards for Movies


 

Sabay na pinarangalan ang dalawang naglalakihang bituin na sina Star For All Seasons Vilma Santos at ang Superstar na si Nora Aunor sa katatapos lang na 33rd PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies

Ayon kay Superstar, malaking karangalan ito para sa kanya upang ipagpatuloy pa ang pagganap ng mahusay sa mga future projects niya.

"Nagpapasalamat ako sa PMPC sa karangalan na ibinigay nila at sa napakatagal na panahon na nagtiwala sila sa akin at napakalaking bagay ng tiwalang ito sa atin," sabi ni Nora.

Gaya ng Superstar, pasasalamat din ang ipinaabot ng Star for All Seasons sa PMPC para sa patuloy na pagkilala sa kanya kahit na isa na siyang ganap na public servant.

"After five decades andito pa din kami ng kumare ko, at binibigyan niyo pa din kami ng recognition and we do really appreciate it kaya maraming salamat po. Inspirasyon po namin ito up to this day at nandito pa din tayo," ani pa ni Vilma.

Bukod sa Lifetime Achievement Award sabay din na pinarangalan sina Vilma at Nora bilang Best Actress para sa kanilang mga pelikulang, Everything About Her at Kabisera.

Narito naman ang mas kumpletong listahan ng mga nanalo sa 33rd PMPC Star Awards for Movies:

Movie Actress of the Year - (tie) Vilma Santos for Everything About Her and Nora Aunor for Kabisera

Movie Actor of the Year - Daniel Padilla for Barcelona: A Love Untold

Movie Supporting Actor of The Year - Xian Lim for Everything About Her

Movie Supporting Actress of the Year - Ana Capri for Laut

New Movie Actor of the Year - Joshua Garcia for Vince, Kath & James

New Movie Actress of The Year - Hasmine Killip for Pamilya Ordinaryo

Child Performer of the Year - Rhed Bustamante for Seklusyon

Movie Director of the Year - Jun Robles Lana for Die Beautiful

Movie of the Year - Die Beautiful

Movie Story Scorer of the Year - Everything About Her

Movie Sound Engineer of the Year - Seklusyon

Movie Original Theme Song of the Year - Imagine You and Me

Movie Production Designer of the Year - Seklusyon

Movie Cinematographer of the Year - Die Beautiful

Movie Editor of the Year - Die Beautiful

Movie Screenwriter of the Year - Die Beautiful

Indie Movie Director of the Year - Eduardo Roy for Pamilya Ordinaryo

Indie Movie of the Year - Pamilya Ordinaryo

Indie Movie Theme Song of the Year - Pauwi Na

Indie Movie Sound Engineer of the Year - Kusina

Indie Movie Original Theme Song of The Year - Panata

Indie Movie Production of the Year - Hapis at Himagsik Ni Hermano Puli

Indie Movie Cinematographer of the Year - Sakaling Di Makarating

Indie Movie Editor of the Year - Pamilya Ordinaryo

Indie Movie Screenwriter of the Year - Patay Na Si Hesus

Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod Ng Kamera - Joel Lamangan

Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award - Pen Medina

Darling of the Press - Luis Manzano

Movie Love Team of the Year - KathNiel