Pia Wurtzbach on Marlon Stockinger: 'Kami pa!'

Ready to settle down na din ba sina Pia at Marlon?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/30/2017 11:22 PM
Pia Wurtzbach on Marlon Stockinger: 'Kami pa!'

New look si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach nang rumampa ito sa red carpet ng Star Magic Ball 2017.
Dito kinumpirma mismo ng beauty queen turned actress ang estado ng kanilang relasyon ng boyfriend na si Marlon Stockinger.

 

 

2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach @piawurtzbach #piawurtzbach #starmagicball2017


A post shared by Push (@pushalerts) on

 

"Kami pa!" mariing sabi ni Pia.


Ayon kay Pia mas nais nila ni Marlon na gawing pribado lang ang kanilang relasyon.


"Okay naman kami, parang hindi naman din kasi kailangan lagi may pinopost online," pahayag pa ni Pia.


Dahil mas stable ngayon ang kanilang relasyon ni Marlon, aminado si Pia na hindi pa pumapasok sa isip niya ngayon ang usapin ng pag-settle down.


"Iba-iba kasi yan bilang babae, sa akin wala pa. In-eenjoy ko pa yung career ko yung pag-uwi ko dito sa Pilipinas, sa ABS-CBN, so ito muna ang focus ko ngayon," pagtatapos na kwento ni Pia.


Sa ngayon abala padin si Pia sa shooting ng The Revengers na mapapanuod ngayong darating na Pasko sa Metro Manila Film Festival.