• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Jake Zyrus, marami siyang ipeperform na kantang matagal na niyang pinapangarap na gawin.

Jake Zyrus ibinahagi ang paghahanda sa kanyang concert

Ayon kay Jake Zyrus, marami siyang ipeperform na kantang matagal na niyang pinapangarap na gawin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/30/2017 10:27 AM
Jake Zyrus ibinahagi ang paghahanda sa kanyang concert

 

Bigay todo sa rehearsals ang singer na si Jake Zyrus nang nakapanayam ito ng entertainment press para sa nalalapit niyang concert na I Am Jake Zyrus sa Music Museum sa darating na October 6.

Masaya at excited na si Charice na mas kilala na ngayon bilang Jake Zyrus sa kanyang unang beses na pagtatanghal bilang isang transman.


"Sobrang na-excite po ako, yung feeling na parang first time. Nakapag-concert naman na po ako before pero this one is really different for me. Parang isang good memory po ang i-share ko sa mga manunuod natin," sabi pa ni Jake.

Kuwento pa ni Jake, mas malapit sa kanya ang kanyang mga inihahandang musika ngayon dahil ilan ito sa kanyang mga pangarap gawin noon pa.

 

Dance reh earlier for Oct 6, I Am Jake Zyrus concert @ Music Museum! See u guys!

A post shared by Jake Zyrus (@jakezyrusmusic) on

"Actually ito yung mga pangarap ko na music na hindi ko naman pwede gawin before kasi nga parang may limit pa lahat ng gagawin ko. Pero ngayon, I can't believe na gagawin ko na talaga ito sa concert ko finally," ani pa nito.

Dagdag pa ni Jake, total performance ang aasahan ng mga manunuod sa kanyang one night concert.

"Yes may sing and dance number pero siyempre mas singing pa din po ang kailangan natin ipakita. May mga number lang na parang kailangan din natin bigyan ng konting sayaw."

Bukod sa preparasyon sa kanyang concert, labis din na pasasalamat ngayon ni Jake para sa positibong reaksyon sa pagkaka-awit niya ng theme song ng The Good Son.

"Una po sa lahat, gusto ko po mag pasalamat sa The Good Son, sa Star Music, sa ABS-CBN for the trust. I've seen a lot of teleseryes and dati iniisip ko lang na sana ako naman yung kumanta ng theme song pero ngayon pinagkatiwalaan po nila ako kaya salamat po," pahayag ni Jake.