• Home
  • Fresh Scoops
  • Gusto makatrabaho ni Dionne Monsanto si Claudine Barretto sa isang project.

Dionne Monsanto looking forward na makipagsampalan kay Claudine Barretto

Gusto makatrabaho ni Dionne Monsanto si Claudine Barretto sa isang project.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/30/2017 10:42 AM
Dionne Monsanto looking forward na makipagsampalan kay Claudine Barretto

 

Looking forward ngayon ang former Pinoy Big Brother housemate na si Dionne Monsanto na nakilala bilang “sampal queen” sa teleserye noon na Tubig at Langis sa pagkikita nila ng kanyang idol na si Claudine Barretto.

Isa si Claudine sa inaasahang dadalo sa Star Magic Ball ngayong Sabado. Matatandaan din na isa si Claudine sa mga pumuri noon sa galing ni Dionne sa pagganap nito bilang kontrabida.

Read:Claudine Barretto lauds Dionne Monsanto’s acting skills in Tubig at Langis

"Very exciting because everybody knows na ang husay husay niyang aktres," ani ni Dionne na umaasang magkikita sila sa ball.

Dahil dito, aminado si Dionne na gustong-gusto niya makasama sa isang proyekto ang award-winning actress na labis niyang iniidolo.

"Yes and I'm hoping to work with her kasi alam natin na she brings a different flavor to the table. Iba pa din ang Claudine Barretto," pahayag ni Dionne sa media presentation ng Walang Kokontrabida

Ayon pa kay Dionne, gusto niya magka-selfie with Claudine kung sakali na magkikita sa Star Magic Ball.

Bukod sa pagiging fangirl ni Dionne, abala ngayon ang aktres sa isang benefit show sa December 1 sa Resorts World Manila na Walang KokontraBida.
 
Makakasama ni Dionne sina Tart Carlos, Dodj Mallari, at XB Gensan na mga supporting stars sa ilang kapamilya shows.

Ayon kay Dionne, hinahanap-hanap pa din niya ang mga maatikabong samapalan at maiinit na eksena na kanyang ginawa noon sa Tubig at Langis.

"Yes sobrang namimiss ko. Yung emotional scene tapos yung mga out of this world na mga eksena yan namimis ko," pagtatapos na pahayag ni Dionne.