• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Santos and Rey Valera also serenaded fans at the concert

Sarah Geronimo, JaDine, Alden Richards perform together for a concert

Erik Santos and Rey Valera also serenaded fans at the concert

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/03/2017 09:24 AM
Sarah Geronimo, JaDine, Alden Richards perform together for a concert
Photos credit to cebuanalhuillier/nadinelustreofficial IG

 

Nagsama-sama sa isang concert stage ang mga naglalakihang bituin na sina James Reid, Nadine Lustre, Rey Valera, Erik Santos, Alden Richards, at Sarah Geronimo para sa 30th Anniversary ng Cebuana Lhullier sa Mall of Asia Arena.

Naunang nagpainit ng gabi ang JaDine sa kanilang opening dance number ng “Despacito”.


Hindi din nagpahuli sa pagbibigay kilig ang singer na si Erik Santos na inawit ang kanyang OPM hit “I'll Never Go” na theme song ng pelikulang One More Chance at ang isang Air Supply medley.

Classic OPM naman ang handog ng Tawag ng Tanghalan punong hurado na si Rey Valera nang awitin niya ang kanyang timeless hits gaya ng “Naalala Ka” at “Pangako Sa 'Yo”.

Instant fanboy naman si Julian Trono sa kanyang fangirl na si Ella Cruz na bigay-todo sa kanilang performance ng “Tumalon” na kabilang sa kanilang dance single.

Hindi naman binigo ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang kanyang mga tagasubaybay na kahit masama ang pakiramdam. Tinuloy pa din nito ang kanyang inihandang performance para sa kanyang mga fans.

Mainit ang pagsalubong ng fans sa naging performance ni Popstar royalty Sarah Geronimo sa medley ng kanyang mga sikat na awitin gaya ng “Kilometro” at “Ikot Ikot”.

Highlight din ng gabi ng pagdiriwang ang “Shape of You” special number ni Sarah at Alden.