Sam Pinto ayaw na nga ba mag pa-sexy?

Sam Pinto gusto bang magkaroon ng image change?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/03/2017 09:07 AM
Sam Pinto ayaw na nga ba mag pa-sexy?
Photo credits to sampinto_ IG

 

Rumampa sa naganap na taunang selebrasyon na Dutdutan festival ang isa sa mga gumaganap na bampira sa top rating teleserye na La Luna Sangre na si Sam Pinto.

Dito, masayang naikuwento ni Sam ang kanyang mga ala-ala noong nagrampa siya para sa isang sikat na men’s magazine kung saan minsan siya itinanghal na sexiest pinay.


 

"More of like happy kasi I enjoy stuff like this. Same vibe as FHM. Kulang na lang nga ang mga girls pero conservative na ako ngayon e. No need to be super sexy (Laughs)," kuwento ni Sam.

 

 

Oh hello @fhmphilofficial

A post shared by Sam Pinto (@sampinto_) on

Hindi man nagpakita ng sobrang ka-sexihan ng gabing iyon, hindi naman nawala ang karisma ni Sam na stand out pa din. Ibinahagi niya din ang kanyang secret sa kanyang figure.

"Don't eat! (Laugh) Joke lang, Hindi konti Lang ako kumain and every two hours kumakain ako pizza, cake, pero siyempre konti lang," sabi pa nito.

Aminado si Sam na napagdesisyunan na niya na mag-lie low na sa kanyang pa-sexy image.

"Tumatanda na kasi ako, pero I still do pa-sexy pa din ng konti kasi I still have my swimwear line so I still have kind of do," pahayag pa ni Sam.

Sa ngayon, focused na muli si Sam sa kanyang resort at swimwear business.