• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktor na mas gusto niyang magfocus ang anak sa kanyang pag-aaral.

Joey Marquez hindi nga ba pabor sa pagsali ng anak na si Wynwyn sa Miss World PH?

Sinabi ng aktor na mas gusto niyang magfocus ang anak sa kanyang pag-aaral.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/04/2017 02:08 AM
Joey Marquez hindi nga ba pabor sa pagsali ng anak na si Wynwyn sa Miss World PH?
Photo credits to the owners

 

All eyes ngayon ang mga pageant enthusiasts sa 2017 Miss World Philippines kung saan kalahok ngayon si Winwyn Marquez, na anak ng showbiz personalities na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Batid ng ama ni Winwyn ang kaba para sa laban ng kanyang anak.


"Actually isa ako sa umaawat sa kanya na huwag na muna sana, kasi mas gusto ko na makapag PhD muna siya para sa edukasyon muna niya kasi ang edukasyon nakatatak yan eh. Pero ganun pa man gusto niya sumali e ‘di sige kasi desisyon naman niya yun at pangarap niya yun," paliwanag ni Joey.

Hati man ang opinyon ni Joey sa sa pangarap ng kanyang anak, excited pa din si Joey bilang ama para sa inaasam na pangarap ng kanyang anak na maging beauty queen.

"Oo naman all out support pa din kami sa kanya, pero sabi ko sa kanya after this ang gusto ko naman ang gawin mo, at gagawin naman daw niya," sabi pa ng aktor.

Maging si Alma ay very excited para sa kanilang anak.

"Si Ness medyo excited pa nga e, ako din naman excited pero ang sabi ko lang sa kanya 'Hindi mo naman kailangan maging beauty queen,' dahil sa akin kasi pinaka maganda na siya," ani pa ni Joey.

 

Happy happy birthday mama!❤️😘 I love you!!!!!

A post shared by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

Ayon pa kay Joey, alam niya ang sakripisyo ng anak para sa inaasaam na pangarap nito

"Naawa nga ako sa kanya dahil nakikita ko yung sakripisyo niya gigising ng maaga, mag-work out, magtrabaho, mag-diet, mag-gym, sasayaw. Sabi ko nga 'buhay pa ba yung kaluluwa mo sa ginagawa mong yan?' Pero wala pangarap talaga niya ang maging beauty queen. Sabi ko nga ingat-ingat lang anak kung nararapat sa ‘yo ‘yan ibibigay sa iyo ‘yan, kung ‘di man, magpasalamat pa din tayo kasi sama-sama tayo," dagdag pa ni Joey.