• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Sarah kung bakit pinostpone nila ng fiancé na si Richard Gutierrez ang kanilang pagpapakasal.

Sarah Lahbati, ayaw ma-stress sa usapang kasalan

Ipinaliwanag ni Sarah kung bakit pinostpone nila ng fiancé na si Richard Gutierrez ang kanilang pagpapakasal.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/29/2017 04:15 PM
Sarah Lahbati, ayaw ma-stress sa usapang kasalan

 

Blooming at magandang Sarah Lahbati ang dumalo sa launching ng Close Up toothpaste kung saan isa siya sa mga brand ambassador.

Ayon kay Sarah blessing kung maituturing niya ang mga proyekto na dumarating sa kanya at sa kanyang pamilya.


"It feels great and I’m honored to endorse a brand that I’ve always trusted, so it's exciting," sabi ni Sarah. 

Bukod sa mga endorsement, isa din sa mga biyaya ngayon sa buhay ni Sarah ang kanyang muling pagdadalang tao. Dito, excited na nagbigay ng update si Sarah sa pangalawang anak nila ni Richard Gutierrez.

"Okay naman three months na ako ngayon so medyo wala na yung mga morning sickness, kasi with Zion talagang everyday I vomit so much, but now parang mas relax ako. Ang naging morning sickness ko lang ay headache tsaka moodiness so masasabi ko na ibang iba siya," kwento ni Sarah.  

Ayon pa sa aktres, excited na din daw maging kuya ang kanilang panganay na si Zion.

 

We have something to tell you! Watch #ItTakesGutzToBeAGutierrez at 8:30pm on E!

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

"Very excited, pero siyempre pinapakita ko sa kanya na mahal na mahal ko din siya para hindi siya mag selos. Kumbaga hinahanda ko na siya na magiging kuya siya pero hindi ko pa siya tinatawag na kuya siguro kapag andyan na yung baby," sabi pa ni Sarah.  

Bukod sa usapin sa kanyang pagbubuntis, hindi na din naiwasan na mapag usapan pa ang plano nilang pag-iisang dibdib ni Richard Gutierrez.

"Pagkatapos na ng baby, siyempre ayaw ko naman ng mataba ako sa wedding. Gusto ko din mag-focus sa pregnancy ko kaysa mag-focus ako sa wedding, tapos sa pagbubuntis ko pa, ma-stress lang ako. After this pregnancy for sure," paliwanag ni Sarah. 

Sa ngayon lie-low muna daw si Sarah sa showbiz commitments para pagtuunan ng pansin ang kanyang muling pagbubuntis.