• Home
  • Fresh Scoops
  • Kontrobersyal at kakaiba ang tema ng bagong pelikula ni Ara Mina.

EXCLUSIVE: Ara Mina, na-challenge sa role in a 'taboo' indie film na ‘Immaculada’

Kontrobersyal at kakaiba ang tema ng bagong pelikula ni Ara Mina.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/29/2017 10:32 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina, na-challenge sa role in a 'taboo' indie film na ‘Immaculada’
Photo credit: @therealaramina IG

 

Mapangahas at tiyak na magiging kontrobersyal ang katatapos lang na indie film ni Ara Mina na pinamagatang Immaculada (Pag-ibig ng isang Ina) dahil sa tema nito at sa role na kanyang ginampanan.

Tungkol sa isang ina na nakarelasyon ang kanyang sariling anak na lalaki ang tinatalakay ng pelikulang idinirek ni Arlyn dela Cruz mula sa produksyon ng Blank Pages and Royal Film Inc.


Ayon kay Ara, na-challenge siya sa role kaya niya tinanggap ang 'taboo film.'

Aniya, “Na-challenge ako sa role dahil hindi ko pa siya nagagawa. Wala pa akong ganitong role. It tackles a mother’s different kind of love.

“Naging challenge rin ito sa akin dahil sabi ko paano ko ia-acting ito dahil hindi ko naman siya nae-experience in real life.

“Ang dating sa akin kasi ng materyal parang ala-Ishmael Bernal. Hindi common iyong story niya,” kuwento ng award-winning actress sa PUSH.

Dagdag pa ni Ara, na-miss na rin daw niyang gumawa ng pelikulang tsa-challenge ulit sa kakayahan niya bilang aktres.

“Ang tagal ko na ring hindi gumawa ng pelikula at ang pinakamatinding role na ginawa ko ay yung Huling Birhen sa Lupa pa. Sabi ko, it’s about time also to do another drama na matindi.

“Ayoko rin namang maging complacent sa mga ginagawa ko. Dapat i-achieve mo siya at balikan mo iyong nagawa mo before. Actually, acting vehicle siya para sa akin,” katwiran pa niya.

Kasama ni Ara sa pelikula sina Elizabeth Oropesa at Simon Ibarra na nakasama din niya noon sa Huling Birhen sa Lupa.

“Parang reunion movie nga namin ito, eh. Magkasama rin kami noon sa Huling Birhen Sa Lupa na nagbigay sa akin ng awards. Masaya ako na nakatrabaho ko ulit sila lalo na si Tita Oro, ang galing-galing niyang aktres,” sambit pa niya.

Pumayag din si Ara na magkaroon ng love scene sa Immaculada kapartner ang bagets na si Akihiro Blanco.

“I don’t mind doing it with a younger man. Kasama naman siya sa iskrip at malaki ang tiwala ko kay Direk Arlyn.

“Yon nga lang, hindi na siya yung katulad ng ginagawa ko noon. Siyempre, nanay na ako. May limitasyon na rin kahit papaano.”

Samantala, bukod kay La Oropesa, kasama rin sa pelikula si John Estrada. Susubukang i-submit ni Direk Arlyn ang Immaculada sa 2017 MMFF na walang expectations.

“Alam kong mabigat yung pelikula namin, pero susubukan pa rin namin,” sey ng lady director.