Ariella Arida, sasabak na rin sa pelikula

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/29/2017 01:32 PM
Ariella Arida, sasabak na rin sa pelikula

 

Masayang masaya na nakipagkuwentuhan sa entertainment press si 2013 Miss Universe third runner-up Ariella Arida tungkol sa kanyang latest endorsement bilang official ambassadress ng Blue Water Day Spa.

Dito excited na naibahagi ni Ariella ang isa pang blessing na dumating sa kanyang buhay. Makakasama siya sa upcoming movie na The Revengers ng Star Cinema na pinagbibidahan nila Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na opisyal na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Ariella, talagang aabangan ngayong Pasko ang kanyang magiging role sa upcoming MMFF movie dahil, "Parang in real life po ang role ko dito kay Pia. Yes, in real life, I'm friends with Pia [Wurtzbach], kahit sa movie, 'yun din ang role ko sa kanya." Pahayag ni Ariella 

Patikim pa ng beauty queen TV host, aasahan din kung paano ipagtatangol ng 'Pambansang Mars' sa pelikula ang kanyang 'best friend' na si Pia sa mga umaapi rito. 

"Tagapagtanggol kapag may kailangan siya pero wala pa po akong maikukuwento kasi parang three days palang ako dito," masayang sinabi pa nito.

Dahil maituturing na first movie ito ni Ariella, sinigurado ng beauty queen TV host na kagigiliwan ang kanilang kwelang samahan ni Pia na makakadagdag saya sa mga manunuod ngayong kapaskuhan.

"Sa ngayon po kailangan muna namin i-established 'yung connection ng character namin ni Pia sa mga roles namin," ani ni Ariella.