• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim ibinahagi kung bakit niya hinahangaan si April Boy Regino.

Xian Lim, inaming malaking influence sa kanyang musika si April Boy Regino

Xian Lim ibinahagi kung bakit niya hinahangaan si April Boy Regino.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/28/2017 10:00 AM
Xian Lim, inaming malaking influence sa kanyang musika si April Boy Regino

 

Kabilang ang hit song noon ng magkapatid na April Boy at Vingo Regino na “Honey My Love So Sweet” sa mga kantang ni-revive ni Xian Lim at isinama sa Key of X album niya sa Star Music.

Ayon sa singer-actor, malaking impluwensya sa kanya si April Boy noong kanyang kabataan.


“Isa rin kasi si April Boy sa mga iniidolo kong performers. Talagang nung bata pa ako ginagaya ko lahat ng movements niya,” pag-amin ni Xian.

Patuloy pa niya, “Pati po nung concert ko (Key of X sa The Theater ng Solaire), meron po akong isang nakalaan na spot po para kay April Boy.”

Ginaya rin daw niya ang style ni April Boy na namimigay ng sombrero habang nagpo-promote siya ng latest album.

“Oo. Ginawa namin yon,” sabi pa niya.

Bakit ba niya inidolo si April Boy? Ano ang nagustuhan niya dito?

“The way he performs and yung appeal niya sa mga tao, parang he doesn’t give the vibe na nasa stage ako at kayo pinapanood n’yo lang ako.

“Gusto ko yung vibe na binibigay na magkakasama tayo dito, magsayahan tayo, meron po siyang ganung magic na binibigay. Maski nga yung ‘Honey My Love So Sweet’ niya, yung ‘Di Ko Kayang Tanggapin’, talagang in-embrace ng mga tao.

“So I think, para sa akin, gusto ko rin pong marating yon, na pag pinapanood ako ng mga tao, eh, natutuwa sila at nasisiyahan sila sa ginagawa ko. Not the Xian na nasa stage at hindi namin maabot, kumbaga, nandito tayong lahat para magsaya, parang ganun,” dire-diretso niyang paliwanag.

Bukod sa pagiging award-winning actor, may gusto ring patunayan si Xian bilang musician.

“Kasi being an actor, you want to play more roles, you want to play different characters. Sa music naman, it’s playing different genres and being able to perform variety of songs, to express yourself in a different way.

“Bawat kanta para sa akin may iba’t ibang puso, iba’t ibang mensahe. So, being able to have the opportunity to sing a variety of songs para sa akin malaking bagay po yon. At yung mabigyan din po ako ng chance to perform sa iba’t ibang platform para makapag-perform, kasi isa rin po yon talaga sa nasa puso ko. Nothing beats a live performance para sa akin,” katwiran ni Xian sa PUSH.

Bukod sa “Honey My Love So Sweet”, nasa album din ni Xian ang mga kantang “Getting To Know Each Other Too Well”, “Wala Na Bang Pag-ibig”, “Manhid”, at “Download” na si Dingdong Avanzado ang composer.