• Home
  • Fresh Scoops
  • Christopher De Leon at Sandy Andolong sasamahan ang anak na si Mariel sa Japan para sa laban nito sa 2017 Miss International.

Sandy Andolong inaming mas kabado kesa sa anak na si Mariel sa laban nito sa Miss International

Christopher De Leon at Sandy Andolong sasamahan ang anak na si Mariel sa Japan para sa laban nito sa 2017 Miss International.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/28/2017 11:31 AM
Sandy Andolong inaming mas kabado kesa sa anak na si Mariel sa laban nito sa Miss International

 

Biyaheng Japan sa huling linggo ng October si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon para coronation night ng Miss International 2017 sa Tokyo.

Ang mga magulang ni Mariel na sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagpahayag na sasamahan nila ang kanilang anak sa magiging laban nito.


Kuwento pa ni Sandy, mas kabado pa siya ngayon kaysa sa kanyang anak sa nalalapit na laban nito.

"Yes we'll be there! (laughs) But one good thing with Mariel, she's determined to win. She doesn't stress herself out, she just wants to enjoy," sabi pa ni Sandy.

Bilang mga beteranong mga artista, proud din sina Boyet at Sandy para sa kanilang anak na sasabak na din sa unang pelikula nito bilang leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday na mapapanuod sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sabi pa ni Boyet, tiwala din daw siya kay Coco kung sakaling kailanganin ng kissing scene sa pelikula.

"Si Coco naman alam natin na isang gentleman. We’ve been through that too before so there’s nothing wrong with that," sabi pa ni Boyet.

Si Mariel naman ay masaya din para sa suporta na binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang.

"I'm really happy! Kasi it will be nice to see familiar faces in the crowd especially in a foreign country," sabi pa ni Mariel.

Isa ang Ang Panday sa mga official entries na mapapanuod sa 2017 Metro Manila Film Festival ngayong darating na December 25.