• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Lance Busa na maraming pagsubok ang kanyang dinaanan bago niya nakamit ang tagumpay.

Pinoy singer Lance Busa ikinwento ang pinagdaanan bago nanalo sa “Bolt of Talent”

Aminado si Lance Busa na maraming pagsubok ang kanyang dinaanan bago niya nakamit ang tagumpay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/28/2017 08:08 PM
Pinoy singer Lance Busa ikinwento ang pinagdaanan bago nanalo sa “Bolt of Talent”

Wagi ang Pinoy singer na si Lance Busa sa unang season ng reality show ni Micheal Bolton na Bolt of Talent.

Napanuod kagabi, September 27, ang announcement ng winner at at natunghayan ito ni Lance kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.


Sa naging panayam na ito ng PUSH kay Lance ibinahagi ng 22-year-old singer ang kanyang kasiyahan sa kanyang tagumpay.

"I feel so overwhelmed and proud that I am a Filipino, the next singing sensation sa Bolt of Talent and I hope proud din sa akin ang mga Filipinos," ani pa ni Lance.

Hindi na baguhan sa mga singing contest si Lance. Ayon pa sa binata, isa din siya sa mga sumubok noon sa season two ng The Voice Philippines pero hindi pinalad na makasama sa final cut.

Hindi man naging matagumpay sa kanyang mga pinagdaanang auditions, hindi naman daw naging hadlang ang mga ito para abutin niya ang kanyang pangarap.

"I've been told when I was younger not to push thru with this kind of career because it's hard, hindi madali kumita in this industry," sabi pa ni Lance.

Sa kanyang pagka panalo sa Bolt of Talent, marami pa umano plano si Lance para sa kanyang singing career at ang kanyang accomplishment ay ang pagpapaalala kung saan siya nagsimula.

"There is no such thing as getting there without getting through some hardships in life and it's human enough na pagdadaanan mo lahat ng challenges, the hardships, you have to accept it," pahayag ng singer.

Kasama sa kanyang napanalunan ang isang luxury car, exclusive recording contract at duet recording kasama mismo si Micheal Bolton.

Ngayon ay kaliwa't kanan na ang mga offers kay Lance, na inaalay naman niya para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.