Mark Bautista nagbigay detalye sa kanyang ginagawang libro

Babalik na din si Mark Bautista sa music scene.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/28/2017 11:36 AM
Mark Bautista nagbigay detalye sa kanyang ginagawang libro

 

Balik Pilipinas ngayon ang singer na si Mark Bautista matapos ang US staging ng Here Lies Love the musical.

Sa kanyang pagbabalik bansa, muling pagtutuunan pansin ni Mark ang pagbalik sa music scene.

 

@seattlerep 📸 @navidbaraty #hereliesloveseattle

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

"Yes as of now may mga ginagawa akong mga songs pero magre-release muna ako ng single," sabi ni Mark.

Bukod sa pagbabalik sa music scene, pinagka-abalahan ni Mark ang kanyang upcoming book.

"Actually nasulat ko siya, sinulat ko siya, memoirs and malalaman pa nila siguro at makikilala pa nila ako ng mas maigi," ani pa ni Mark.

 

 

Leading the pack #hereliesloveSeattle #beyondthemark #tech1

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Kuwento pa ng singer-actor, naging pastime niya ang pagsususlat para sa kanyang libro noong unang beses siya umalis papuntang London para sa staging noon sa Here Lies Love.

 

Thanks to the entire team🙏🏼 #soon 😱😱😱 📸 @ronsalva

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

"Nag-start siya nung nasa London ako and natigil siya nung nag-break ako. And then nung bumalik ako sa Seattle for the show, natapos ko siya habang may oras ako doon and now I'm so happy kasi natapos ko siya and anytime soon mailalabas na siya," pagtatapos na pahayag ni Mark.