• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane De Leon proud na nai-represent ang Pilipinas sa naganap na global audition.

Jane De Leon nagbigay detalye sa naganap na Hollywood auditions

Jane De Leon proud na nai-represent ang Pilipinas sa naganap na global audition.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/28/2017 11:23 AM
Jane De Leon nagbigay detalye sa naganap na Hollywood auditions

 

Isa ang The Debutantes star na si Jane De Leon sa mga ipinadalang kinatawan ng Pilipinas para mag-audition sa Los Angeles para sa binubuong teen pop talent group na Now United.

Ikinuwento ni Jane ang kanyang naging experience sa audition sa kilalang talent producer na si Simon Fuller kung saan nakasama niya sila Ylona Garcia, Bailey May, at AC Bonifacio.


"Nag-training po kami at nakipag-usap po kami kay Simon Fuller. Nakasama namin ang iba’t-ibang finalist and also nag-perform kami in front of him," sabi pa ni Jane.

Ayon pa sa dalaga, proud siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa naging talent search kung kaya ginalingan at pinaghusayan nila ang bawat step ng auditions.

"Nakakatuwa naman po kasi ni-represent namin ang Philippines and I’m so happy na successful naman po yun. And may nakuha na nga po ‘di ko lang alam kung pwede na i-announce (laughs)."

Oportunidad sa international scene mag naghihintay sa makakapasang miyembro ng Now United.

"Sa mapipili po, magko-concert sila around the world, Ang natutunan ko po

unang-una sobra magkaiba po talaga ang showbiz dito at showbiz sa Hollywood. Magkaiba po yun pati yung pagiging strong po. Matuto ka humarap sa iba’t-ibang tao," pahayag pa ni Jane.

Samantala, lumabas na ang balita na pasok na si Bailey May sa Now United.