Kim Chiu launches her third album ‘Touch of Your Love’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/27/2017 12:57 PM
Kim Chiu launches her third album ‘Touch of Your Love’

 

Balik music scene ngayon si Kim Chiu para sa kanyang third album na Touch of Your Love, ang follow up
sa kanyang naging hit single na Mr. Right mula sa kanyang Chinita Princess album noong 2015.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Kim sa entertainment press, ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga favorite songs dito.

"Oo, favorite ko dito yung Okay Na Ako, parang na ha-happy kasi, parang kahit wala kang jowa, masasabi mo na 'okay na ako.'"

Bukod sa kuwentuhan tungkol sa kanyang bagong album, napag-usapan din ang kanyang ginagawang preparations sa nalalapit na Star Magic Ball ngayong darating na September 30.

"Oo nga pang 11th year ko na, excited at the same time looking forward kasi yearly event na ito and it's a night of beauty and glamour so it's something to look forward (to) and I'm very, very excited," aniya.

Wala pa man nagaganap na proposal sa pagitan nina Kim at ng kanyang ka-love team na si Xian Lim para sa ball, happy naman daw ang singer-actress sa mga nakikita niyang sunud-sunod na proposals ng mga nakababatang Star Magic artists.

"Wala pa! Yung mga bagets nga ngayon puro paandar silang lahat kasi dati wala pa naman gano'n. Ang cute cute nila panoorin kasi ilang years din naman may paandar so ibigay na natin sa mga teenagers yung ganun," ani Kim.

Ayon pa rito, wala rin daw problema sa kanya kung may hinandang paandar o wala ang kanyang magiging date.

Samantala, looking forward naman ngayon si Kim sa kanyang meet and greet with fans para sa kanyang album launch sa September 28 sa SM Sky Dome ng SM City North Edsa.