• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Luis Manzano na napagusapan na nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola ang tungkol sa malamlam na career nito ngayon.

EXCLUSIVE: Luis Manzano, di nakikialam sa career decisions ni Jessy Mendiola

Aminado si Luis Manzano na napagusapan na nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola ang tungkol sa malamlam na career nito ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/27/2017 09:40 AM
EXCLUSIVE: Luis Manzano, di nakikialam sa career decisions ni Jessy Mendiola

 

Aware si Luis Manzano na down ang career ngayon ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Ayon sa host ng I Can See Your Voice, naiintindihan niya kung bakit nangyayari ito ngayon sa kanyang girlfriend.

Aniya, “Ganun talaga ang industriya, that’s one. Di ba, napakaraming bago palagi. So, paminsan-minsan, sabi ko naman, sa industriya minsan you’re up, minsan you’re down. Minsan steady ka lang.  So, siguro dumadaan talaga sa ganun.


“She asks me sometime, ‘Parang ang tagal ko ng walang teleserye?’ Sabi ko, ganun lang naman yan especially sa acting, we all know.

“Kahit mommy ko, sabi dati, ‘Anak, not always nandito ka, not always nasa gitna ka. And siguro sa daming influx din ng mga artists kaya ganun,” mahabang paliwanag sa PUSH ng premyadong TV host.

Posible rin daw na may kinalaman ang naging unang packaging ni Jessy as an actress kaya nahihirapan itong maka-take-off.

“You have to think na yung pagkaka-ano sa kanya, unang-una she’s only 24. Iniisip ng tao na she’s more mature.

“Second, yung packaging niya, never siyang nagpa-tweetums. Never siyang dumaan sa love team-love team. Never siyang dumaan sa ganyan. So, siguro it’s a bit harder din na ganu’n yung pinagsimulan niya,” katwiran niya.

Patuloy ni Luis, “Kasi kumbaga sa graduation, nagsimula siya na mataas kaagad. Hindi siya dumaan sa pa-cute kaya it’s quite difficult para don kasi limited yung roles mo, eh, yung medyo young, sexy, bombshell.”

Eh, ano naman ang binibigay niyang advice kay Jessy sa pinagdadaanan nito ngayon?

“Sabi ko, darating yan. We know the industry, and the thing is magaling naman siyang umarte and she has a talent to back it up. Mas matakot ka kung wala, kung wala kang kayang ibigay. Pero meron, eh. So, roller coaster lang yan,” sagot niya.

Mabuti na nga lang daw at isa siyang host at hindi aktor.

“Nagkataon na swerte din lang ako, na kaming mga host kokonti lang. Basta ang ginagawa ko pag may nakikita akong gumagaling–kunyari si Robi (Domingo) gumagaling, sinisiraan ko na siya sa press, para at least… Oo, ganun lang yon,” pabiro at natatawa niyang pahayag.

Nag-confess ba sa kanya si Jessy na gusto na nitong magpahinga sa showbiz?

“No. I think now she’s excited kasi nag-usap na sila ng ABS,” excited niyang kuwento sa PUSH.

“May dalawang soap na pini-pitch sa kanya. Di ko pa lang puwedeng sabihin kung sino yung mga leading men, pero may dalawag pini-pitch sa kanya from different units. So, she’s excited,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Luis ang isyu na ini-screen at dumadaan sa kanya ang script ng gagawing project ni Jessy.

“Alam mo, for what it’s worth, kaya kong sabihin na mula nung unang girlfriend ko na showbiz up to now never akong nangli-limit, nagbabasa ng script or nagsasabi na don’t wear this, don’t do that. Never kong ginawa yon.

“Sabi ko, ‘That’s your world, di ba? That’s your career, that’s your path. You know better, may tiwala ako.

“Eh, kasi naman lumaki ako na nakikita yung mommy ko na may kissing scene, every movie iba yung leading man ni mommy. Ako, I wouldn’t judge that.

“Di ba si mommy nagbi-bikini–Tagos ng Dugo, Baby Tsina, nag-Burlesk Queen–si mommy nagpaseksi and para sa akin it’s part ng ginagawa at trabaho natin,” pagtatapos ni Luis sa PUSH.