Francis Libiran nagbigay detalye sa isusuot ni Kisses Delavin para sa nalalapit na Star Magic Ball

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/26/2017 03:09 PM
Francis Libiran nagbigay detalye sa isusuot ni Kisses Delavin para sa nalalapit na Star Magic Ball

 

Sa nalalapit na Star Magic Ball ngayong September 30, abala na ang mga Star Magic artist sa paghahanda ng susuotin nilang bongga na evening wear para sa yearly na much-talked about event.

Dahil dito isa ang internationally acclaimed fashion designer na si Francis Libiran sa mga busy ngayon sa pag prepara ng mga kasuotan ng mga bituin na raramapa sa ball. Kabilang sa kanyang dadamitan ay ang Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin.


Ayon kay Francis, isa si Kisses ngayon sa kanyang mga favorite damitan dahil sa pagiging simple pero elegante nito. Siya din kasi ang gumawa ng evening gowns ni Kisses noong nag-celebrate ito ng kanyang 18th birthday last May at naging presenter ito sa Eddy’s Awards last July.

"It's nice working with them, kasi iba yung gusto nila ngayon eh, especially with Kisses Delavin. Starting, fresh … napakabait na bata. Nakikinig at very refreshing yung experience ko sa kanya right now," pahayag ni Francis.

Nagbigay din ng kaunting detalye si Francis sa maaring maging kalabasan ng isusuot ni Kisses sa ball.

"Definitely tinanong ko siya, 'Kisses ano ba nag gusto mo?' and ang sabi niya 'Tito I want it simple pero may dating.' Sabi ko sa kanya, 'Sige let's make it not your typical big gown' and we will call it High Low," kwento pa nito.

Sinugurado naman ni Francis na magiging maganda at maayos ang isusuot ni Kisses sa gabi ng pagdiriwang na ito ng mga Kapamilya stars.

"Basta ang napagkasunduan namin na gagawin na details is different from the one I've done before," pagatatapos ni Francis.