• Home
  • Fresh Scoops
  • Elizabeth Clenci malapit nang umalis para sa Miss Grand International Pageant na gaganapin sa Vietnam.

Elizabeth Clenci handang-handa na para sa Miss Grand International Pageant

Elizabeth Clenci malapit nang umalis para sa Miss Grand International Pageant na gaganapin sa Vietnam.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/26/2017 09:51 AM
Elizabeth Clenci handang-handa na para sa Miss Grand International Pageant

 

Isa ang 2017 Binibining Pilipinas Grand International na si Elizabeth Clenci sa mga unang aalis ng Pilipinas para lumaban sa nalalapit na Miss Grand International Pageant sa Vietnam.

Sa naging panayam na ito sa kandidata, labis na umano ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na beauty pageant.


Sa kanyang pag-alis, baon umano ni Elizabeth ang panalangin na masungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Grand International.

"I really believed in destiny, and I will do my best so probably that's my lucky charm," sabi pa ng kandidata.

Ayon pa sa dalaga, hindi din umano niya naiisip ang pressure na masundan ang first runner up win na nagawa noon ni 2016 Miss Grand International Philippines Nichole Cordovez.

"No naman. I'm not really thinking about it, it's my opportunity, my experience this year so I'm trying not to think about it and appreciate every moment."

Mas nakadagdag excitement pa daw ng kandidata ang dalawang Pinoy na tatayo bilang mga host sa nalalapit niyang laban sa Miss Grand International.

"It's good and it’s nice to have her on stage with me, so I feel a little bit safer (laugh)" pagtatapos na pahayag ni Elizabeth.

Kung papalarin si Elizabeth Clenci ang kauna-unahang Pilipina na makakapag-uwi ng korona mula sa Miss Grand International.