King of Talk Boy Abunda, may plano na nga bang magretiro?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/25/2017 06:07 PM
King of Talk Boy Abunda, may plano na nga bang magretiro?

 

Game na game sa kwentuhan with the entertainment press ang ‘King of Talk’ na si Boy Abunda sa naganap na launching ng kanyang It's Like This book na isang compilation ng mga “Abundable” thoughts.

 


 

The King of Talk shares his abundable thoughts during the book launch of his book “It’s Like This!” #ItsLikeThis #BoyAbunda

A post shared by Tonight With Boy Abunda (@twbaofficial) on

Dito, hindi naman naiwasan na mapag-usapan at ma-itanong ang kanyang mga personal na plano sa buhay kabilang na ang pagreretiro.

"Wala pa, pero may mga pagkakataon na gusto ko na, you know, sometimes I talk to myself iniisip ko 'kailan kaya ako makakapagbakasyon ng isang buwan na diretso?" pahayag ni Boy.

Dagdag pa ng Tonight with Boy Abunda host, malaki ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa tiwala at mga pagkakataon na ibinigay sa kanya sa mahabang panahon.

"I can't complain because I'm so blessed. ABS-CBN has treated me so well all these years but compare to the pagod to the blessings, ang layo. That's why I'm eternally grateful for all the blessings," aniya.

Sa tanong naman tungkol sa kanyang retirement age, wala din ‘di umano ito sa kanyang isip.

"I don't think I will ever retire, pero I wanna take a break. When? I don't know. I will listen to the whisper,” masayang pahayag pa ng ‘King of Talk.’

Sa ngayon, gabi-gabi pa rin napapanuod si Boy sa kanyang late night showbiz talk show na Tonight With Boy Abunda at tuwing Sabado sa The Bottomline.

Mabibili ang It’s Like This by Boy Abunda under ABS-CBN Publishing sa mga bookstores nationwide.