• Home
  • Fresh Scoops
  • Robi Domingo, Enchong Dee, JK Labajo, magkaiba ang paghahanda para Star Magic Ball.

Robi Domingo, Enchong Dee, JK Labajo, paano nga ba nag hahanda sa Star Magic Ball

Robi Domingo, Enchong Dee, JK Labajo, magkaiba ang paghahanda para Star Magic Ball.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/24/2017 09:33 AM
Robi Domingo, Enchong Dee, JK Labajo, paano nga ba nag hahanda sa Star Magic Ball

 

Sa nalalapit na muling pagsasama-sama ng mga naglalakihang bituin para sa taunang Star Magic Ball, sina Robi Domingo, Enchong Dee at JK Labajo ay naghahanda na para dito.

Ayon sa kapamilya host na si Robi, hindi umano siya tutok sa preparasyon ngayong taon at mas pinili umano niya na i-enjoy lang ang gabi ng pagdiriwang.


 

What.

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

"Dati kasi talagang bino-bonggahan ko pa ang preparations, pero ngayon I just want to relax, I just want to enjoy the night with the family of Star Magic," sabi pa ni Robi

Eight hours of sleep naman ang secret ni Enchong bilang paghahanda sa nalalapit na ball.

"I sleep as much as possible, kasi for guys wala naman talagang drastic na preparations for this event pero we want to be prepared and we wanted to enjoy the night.”

Abala na din ngayon si JK para sa kanyang pagdalo sa Star Magic Ball. 

"Nagpapapogi na po ako, tapos yung damit ko tinatahi na po as of this time, Wala po akong kasama, kung sino man po gusto samahan ako sa red carpet okay lang sa akin," pahayag pa ni JK.