• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited si Piolo sa bagong push sa career ng comedian na si Empoy Marquez.

Piolo Pascual on Empoy Marquez: 'He's really meant to be a star'

Excited si Piolo sa bagong push sa career ng comedian na si Empoy Marquez.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/25/2017 01:05 AM
Piolo Pascual on Empoy Marquez: 'He's really meant to be a star'
Photo credits to @empoy IG

 

Labis na tuwa ngayon ang nararamdaman ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual para sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng komedyanteng si Empoy Marquez.

Isa kasi Piolo sa producer ng blockbuster hit na Kita Kita at naniniwala sa kakayahan ni Empoy.


After ng Kita Kita, sunod-sunod na pelikula at proyekto na ang ginagawa ni Empoy kabilang na ang Ang Kuwento ni Money, The Barker at ang isang nakapila na teleserye sa ABS-CBN. Meron din daw siyang pelikula under Star Cinema kung saan ay makakatambal niya ang sexy actress na si Ellen Adarna.

 

Dahil sa mga tagumpay na ito ni Empoy, proud na proud para sa kanya si Piolo.

"Now that he's back as part of ABS-CBN, I'm so excited for him because there's so much to offer. His victory, is part of our success also," sabi pa ni Piolo.

Ayon pa kay Piolo, naniniwala din daw siya na tamang ng proyekto lang ang kailangan ni Empoy.

"Empoy naman is really meant to be a star, he just needed a right project, a right timing and right material," pahayag pa ni Piolo.

Nagsimula si Empoy sa showbiz noong 2003, nang manalo siya sa Mr. Suave look-alike contest sa dating noontime show na Magandang Tanghali Bayan.