• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa prestigious title, nakuha rin ni Kathleen ang special award na Miss Teen Charming.

Kathleen Paton from Boracay wins Miss Teen International 2017

Bukod sa prestigious title, nakuha rin ni Kathleen ang special award na Miss Teen Charming.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/25/2017 12:49 AM
Kathleen Paton from Boracay wins Miss Teen International 2017
Photo credit: Kathleen Paton Facebook

 

Si Kathleen Paton, isang Fil-Australian na pinanganak sa Boracay, ang kinironahan bilang 2017 Miss Teen International na naganap last September 23 sa Bangkok, Thailand.

Bukod sa prestigious title, nakuha rin ni Kathleen ang special award na Miss Teen Charming.


Naganap ang coronation show sa Playhouse Theater ng Suan Lum Night Bazaar Hotel. Ang kinatawan naman mula sa Serbia ang nanalo bilang Mr. Teen International 2017.

Binuo ang Mister And Miss Teen International Pageant sa paniniwala na lahat ng teenagers sa mundo ay dapat na magkaisa at ipakita ang kanilang natatanging talento at ibahagi ito sa iba't ibang kultura ng mga bansang kasali.

Narito ang full list of winners ng Miss Teen International 2017:

Miss Teen International 2017- Philippines (Visayas)

1st Runner-Up - Brazil

2nd Runner-Up - USA

Mister Teen International 2017- Serbia

1st Runner-Up - Puerto Rico

2nd Runner-Up - Thailand (Bangkok)

Special Awards:

Mister Teen Photogenic - Hungary

Miss Teen Photogenic - Brazil

Mister Teen Charming - Nepal

Miss Teen Charming - Philippines (Visayas)