• Home
  • Fresh Scoops
  • All is well that ends well between Ara Mina and Aiko Melendez.

Ara Mina at Aiko Melendez, nagkabati na after 16 years

All is well that ends well between Ara Mina and Aiko Melendez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/25/2017 01:12 AM
Ara Mina at Aiko Melendez, nagkabati na after 16 years

 

All is well that ends well between Ara Mina and Aiko Melendez nang hindi sinasadyang magkita sila sa burol ng ama ng entertainment writer na si Rommel Placente sa isang funeral home sa Kamuning, Quezon City nung Saturday night (Sept. 24)

Hindi kaagad nakapag-react ang mga reporters na nasa wake sa pagtatagpo ng dalawang dating may problema. Alam kasi nila na matagal nang may away ang dalawang aktres.


Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan nina Ara at Aiko nang pareho silang na-involve noon kay Jomari Yllana. Na nasundan pa nang pareho rin silang na-involve kay Mayor Patrick Meneses.

Nagkaroon ng anak si Ara kay Patrick – si Amanda – pero hindi sila ikinasal dahil naghiwalay din agad.

Sa post ni Ogie Diaz sa kanyang FB accout na may picture pa silang tatlo nina Ara at Aiko ay sinabi niyang, “Past is past. The important is now. Nice to see them na tsikahan nang tsikahan. All is well that ends well.”

Post naman ni Ara IG account niya, “It was nice seing you.”

Na sinagot naman ni Aiko ng “So good to finally catch up with you after so many years. Hang-out soon.”

 

It was nice seeing you 😊😍 @aikomelendez 💋💋💋

A post shared by 💖Ara Mina (@therealaramina) on

Sa interbyu ng PUSH kay Ara ay ayaw na niyang masyadong idetalye ang naging pagkikita nila ni Aiko.

Aniya, “Masaya ako sa nangyari. Matatanda na kami at napakatagal na nung naging isyu sa amin -- 2001 pa ata yon. Nagkumustahan kami. Kinumusta niya ang baby ko, si Patrick.

“Sabi niya, labas daw kami minsan total pareho naman kaming single. Ngayon lang naman talaga kami nagkausap na magkatabi kami,” masaya niyang kuwento.

Bumuhos naman sa IG accounts nina Aiko at Ara ang tuwa ng mga taong malalapit sa kanila sa nakitang photos na magkasama silang dalawa. Kung taong 2001 pa nagsimulang hindi sila magkibuan, at least, after 16 years ay naging okey na rin ang dalawa.