• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeli Valenciano idinetalye kung paano napalapit sa anak niyang si Kiana si Sam Concepcion.

Angeli Valenciano boto nga ba sa pagmamabutihan ni Kiana Valenciano kay Sam Concepcion?

Angeli Valenciano idinetalye kung paano napalapit sa anak niyang si Kiana si Sam Concepcion.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/24/2017 09:27 AM
Angeli Valenciano boto nga ba sa pagmamabutihan ni Kiana Valenciano kay Sam Concepcion?
Photos credit: @angelipv/ kianavee IG

 

Isa ang talent manager at maybahay ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Angeli Valenciano sa mga saksi sa magandang pagmamabutihan ng kanyang anak na si Kiana Valenciano sa singer-actor na si Sam Concepcion.

Sa naging panayam na ito ng PUSH kay Angeli bago siya tumulak pa-America upang samahan ang kanyang asawa sa sold-out concert tour nito na Gary V Live, ibinahagi ni Angeli na masaya siya para sa kanyang anak at kay Sam.


"Si Sam is like part of our family, kasi parang eight or nine years old siya, si Paolo [Valenciano] yung parang lead din sa The Lion, The Witch, and The Wardrobe. So they must have 15 to 20 performances together so they have been together for a few months then Sam became part of our life. You know Kiana started as his fan and it's so weird ‘di ba?" sabi pa ni Angeli.

Dagdag pa ni Angeli, nagkaroon din umano siya ng time na makilala si Sam bago pa ito maging close sa kanyang unica ija.

 

Just a little very weird.

A post shared by Kiana 🌙 (@kianavee) on

"They were like the same age. Kiana was a fan of Sam and ayun Sam became close to the family na. And there are times si Sam, mayroon kaming secret kuwentuhan before na minsan kinamusta niya sa akin si Kiana regarding sa showbiz plans ni Kiana," ani pa ni Angeli.

Dahil mas nakilala na ng lubusan ni Angeli si Sam, aminado ang talent manager na masaya siya para sa naging inspirasyon ng kanyang anak.

 

Finishing up my #MegaMillennials BTS post. Too many photos 🙈

A post shared by Kiana 🌙 (@kianavee) on

"Nakakatuwa lang kasi ten years ago Sam is asking me pa about my daughter Kiana's showbiz plan ngayon magkasundo na sila sa mga ginagawa nila, pati sa showbiz," pagtatapos na pahayag ni Angeli.