• Home
  • Fresh Scoops
  • Miles Ocampo wants to get into screenwriting and filmmaking.

Miles Ocampo looks up to Bela Padilla as a writer

Miles Ocampo wants to get into screenwriting and filmmaking.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/22/2017 09:22 AM
Miles Ocampo looks up to Bela Padilla as a writer

 

Pagkatapos maging supporting character sa maraming pelikula ng Star Cinema, isa na ngayon sa mga bida ng pelikulang The Debutantes ng Regal Entertainment ang dating child star na si Miles Ocampo.

Kasama ni Miles sa pelikula ang apat pang baguhang young actresses na sina Sue Ramirez, Chanel Morales, Michelle Vito, at Jane de Leon. The film is under the direction of Prime Cruz.


Ayon kay Miles, pangalawang horror film na niya ang The Debutantes sa Regal na showing on October 4.

Aniya, “First ko yung Pagpag na naging MMFF (Metro Manila Film Festival) entry. It was a co-production of Regal Entertainment and Star Cinema. I’m happy na nasundan pa siya.”

Bukod sa pag-arte ay interesado rin si Miles na magsulat ng script sa pelikula. Nag-enrol siya ng screenwriting workshop kay Ricky Lee.

“Eventually, alam ko namang darating din ako sa puntong ito. I want to widen my horizons na hindi lang sa acting kung hindi pati na rin sa screenwriting and hopefully pati filmmaking, pasukin ko rin in the future.

“Gusto ko kasi sa pagtanda ko, gusto ko pa ring umaarte. At the same time, since yun din ang course na pinili ko, sana someday ay makasulat ako ng isang pelikula or kung susuwertehin, makasulat ako ng isang pelikula na ako rin yung aarte,” deklara niya.

Idinagdag din ni Miles na hinahangaan niya si Bela Padilla na bukod sa pagiging magaling na aktres ay isa na ring writer at epektibong story teller.

“She’s my inspiration. Biro mo, umaarte siya tapos nagsusulat din siya, ang galing, di ba?

“Naisip ko na tamang-tama lang  yung Creative Writing course ko sa UP dahil related naman siya. Noon ngang nag-workshop ako under Ricky Lee, na-realize ko na parang gusto kong mag-explore pa ng iba.

“Actually, marami na akong ideas na gusto kong isulat at gawing screenplays,” kuwento pa ng dalaga.

Samantala, hindi naman maiwasang tanungin si Miles tungkol sa viral video ni John Lloyd Cruz na kasama niya sa sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN pero mas ginusto niyang manahimik tungkol dito.

“Wala po ako sa posisyon para magsalita tungkol diyan,” reaksyon niya.

Sabay hirit na lang niya about her role sa The Debutantes. “Sa movie po, I play the role of Lara. Kuwento siya ng isang weird na estudyante na binu-bully sa iskul tapos ako lang iyong naging malapit sa kanya.

“Tapos lahat ng babaeng nam-bully sa kanya, isa-isang napahamak dahil hindi nakinig sa kanyang warning,” pagtatapos ni Miles sa PUSH.