• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano talks about her comeback role on ‘Maalaala Mo Kaya’

Maricel Soriano on her MMK episode: ‘Ninenerbyos tuloy ako e’

Maricel Soriano talks about her comeback role on ‘Maalaala Mo Kaya’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/22/2017 10:15 AM
Maricel Soriano on her MMK episode: ‘Ninenerbyos tuloy ako e’

 

Sa isang ulat ng TV Patrol, sabik sa pagbabalik drama si Maricel Soriano sa Maalaala Mo Kaya na ngayong Sabado, September 23. Aniya, “namiss ko naman. Hindi naman ako nawala nandiyan lang ako sa tabi-tabi pero gusto ko kasi maganda ang gagawin.” 

14 years ago pa ang huling MMK episode na ginampanan ni Maria, “nung binasa ko yung script, iyak ako nang iyak… sobrang mabigat sa puso.” 


Ibinahagi din niya ang mensahe ng episode na pagbibidahan niya, “wag natin ikakahiya kung sino tayo, kung ano tayo at kung anong pinanggagalingan natin. Wala tayong kahit ano kundi ang sarili nating pangalan, kaya wag nating dudungisan.” 

Kinakabahan din daw si Maricel sa kalalabasan ng proyekto lalo pa’t ang nagdirek ng episode ay si Dado Lumibao na dati niyang writer sa Maricel Drama. “Parang tall order. Ninenerbyos tuloy ako e parang may magsu-showing na pelikula… ganun rin ang nararamdaman ko ngayon. God bahala ka na ha.”