Eula Valdez on her 9-year relationship with Rocky Salumbides: ‘Ang tagal na, eh, kaya boring na’

Eula Valdez, sinusubukan pa din magkaanak muli

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/22/2017 09:07 AM
Eula Valdez on her 9-year relationship with Rocky Salumbides: ‘Ang tagal na, eh, kaya boring na’

 

Muling nagbabalik sa Kapamilya network ang premyadong aktres na si Eula Valdez para sa primetime series ng Dreamscape Entertainment na The Good Son. Sa interbyu ng PUSH, masayang ibinahagi ni Eula kung ano ang pakiramdam na muling nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng teleserye sa Dos.

“Masaya siyempre kasi dito naman talaga ako nabigyan ng magagandang role. Yung character ni Amor Powers (Pangako Sa ‘Yo), dito naman talaga nagsimula,” pagre-recall ng aktres.


Hindi rin daw siya nagkakaroon ng problema working with other network and coming back to ABS-CBN.

Aniya, “Siguro, na-earn ko na rin yung ano (respect). Na alam mo yon, hindi ako nakatali sa isang network. Masuwerte din ako na kinukuha ako ng iba, di ba, and okey lang sa kanila.”

Dagdag katwiran pa ni Eula, “Hindi naman kasi ako yung… di ba, yung may mga love team-love team lang, sila lang yung nakatali. Ako, sa edad namin, swerte kami na puwede kaming magpalipat-lipat.”

Ang pinkahuling teleserye na ginawa ni Eula sa ABS-CBN ay ang Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

“Per project kasi ang kontrata ko kahit noon pa. Happy ako dito (The Good Son), masaya ako don sa material namin.

“Ang fear namin non, siyempre lahat ng nagtatrabaho pag nagte-taping kayo, feeling n’yo ang ganda-ganda na ng ginagawa ninyo, di ba, and then kapag nag-air na walang manonood, maka-cut short.

“Ito, ang ino-offer ng ABS na gawin siyang… ayun nga, hindi siya linear. Parang ang fear namin noon, eh, ma-gets kaya ng tao? Happy naman kami sa kinalabasan.

“Kahit naglalagari ako, kasi may ginagawa rin akong indie, alam mo yung okey na magpuyat ka kasi kinabukasan pag magte-taping ka, alam mong maganda yung ginagawa mong project. Ando’n na ako sa stage na ganu’n and naa-appreciate ko yung trabaho,” paliwanag ng aktres.

Nanay ni Eula si Jerome Ponce sa The Good Son. Kumusta namang katrabaho ang binata.

“Marami pa siyang kailangang matutunan, pero ang laki na ng improvement niya. Kasi meron akong ugali na yung kapag gumaganyan-ganyan (nagsasalubong yung kilay) niya, sabi ko, ‘Dapat hindi ganyan yan.’ Nakikinig naman siya sa akin,” kuwento niya.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Ay, okay naman, boring na. Ang tagal na, eh, kaya boring na,” pabiro niyang sagot.

“Magna-nine years na kami kaya nga boring na, eh,” tawa pa niya.

Wala pa ba silang balak mag-ampon o mag-undergo ng medical procedure para magkaanak?

“Bakit? Puwede pa ako. Maniwala ka,” tili ni Eula.

“Siyempre, gusto ko kung ibibigay. Ayaw naming mangialam sa Siyensya (Science). Gusto namin, kung ibibigay.”

Sinusubukan din daw naman nila ng partner niyang si Rocky Salumbides na gumawa ng baby.

“Siyempre, hinihintay nga namin. Kung dapat ibigay, ibibigay. May rason lahat,” pagtatapos ni Eula sa interbyu ng PUSH.