• Home
  • Fresh Scoops
  • Devon Seron opens up about contemplating suicide three years ago.

Devon Seron: ‘Kahit pag umiinom ako, kumakain ako, hindi tinatanggap ng katawan ko’

Devon Seron opens up about contemplating suicide three years ago.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/22/2017 10:10 AM
Devon Seron: ‘Kahit pag umiinom ako, kumakain ako, hindi tinatanggap ng katawan ko’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, naiyak si You with Me star Devon Seron nang mag-open up siya tungkol sa pag-iisip niya three years ago na mag-suicide.

Aniya, “Sa sobrang depressed ko siguro dahil sa ilang taon na kinimkim ko sa sarili ko, na hindi ako nag-o-open up sa family ko, tumatawa lang ako. Sobrang hindi ko pinapakita ang mga pinagdadaanan ko sa kanila.”


Dagdag pa niya, “Kahit pag umiinom ako, kumakain ako, hindi tinatanggap ng katawan ko pero hindi alam ng mama ko. Akala ng mama ko na parang may sakit lang ako. Tumatalikod lang ako pero umiiyak ako.” 

Nang tanungin kung paano naman niya ito nalagpasan, ani Devon, “Siguro tiningnan ko yung future ko, yung family ko na ayaw kong magtapos dito. Nagdasal ako, yun lang yung kinakapitan ko that time.” 

Matapang din niyang pahayag, “Nalagpasan ko yung stage na yun sa life ko at ngayon masasabi ko na I’m a very strong woman at kahit anong gawin nila sa akin, anong sabihin nila, mas kilala ko yung sarili ko ngayon.” 

Tinanong din siya kung totoong naging sila ni James Reid. Sagot ni Devon, “No.” Pero pag-amin niya, “hindi ko naman pinagkakaikala bilang mga teenager kami that time yes, may mutual understanding kami that time.” 

Si RK Bagatsing naman daw ay hindi nanliligaw sa kanya at “magkaibigan lang po talaga kami.”