Celebrities ibinida ang galing sa pagluluto para sa isang charity

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/22/2017 09:55 AM
Celebrities ibinida ang galing sa pagluluto para sa isang charity

 

Ibinida ng iba't ibang showbiz personalities ang kanilang mga ipinagmalalaking special recipes para makatulong sa mga nangangailangan.

Sa pakikipag tulungan ng Right Star Foundation, COR foundation, City Government of Pasay at ng Resorts World Manila, naisakatuparan ang LOVE Dish benefit program na binubuo nila Meg Imperial, Luigi Muhlach, Sam O, Stephanie Zubiri, Mark Bautista, Donita Rose, at Dimples Romana.


Sa masayang kuwentuhan kasama ang mga celebrity cooks, binalikan nila Donita, Mark, at Dimples kung paano nag-umpisa ang hilig nila sa pagluto.

"I've been cooking ever since way back when I was very, very young. Yung tatay ko kasi every Thanksgiving, Christmas, and other special occasions laging nagluluto. Ang dad ko [gumagawa ng] something different like homemade ice cream, mga ganun," sabi ni Donita.

Masayang kuwento pa ni Donita, naging bonding din nila ng kanyang daddy ang pagluluto.

"Binabantayan ko lang talaga yung dad ko and he would make me his assistant so hanggang sa paglaki ko and I moved in to Singapore and experiencing different kind of foods around," dagdag pa ni Donita.

Baking naman ang nakahiligan gawin ng international theater actor na si Mark Bautista.

"Mahilig na talaga ako mag-bake, kasi ako na ang nag-bake ng wedding cake ng lolo and lola na special sa akin. So naging part na ng family namin ang kumain, magluto,” kuwento ni Mark.

Aniya sa panunuod lang ng TV niya natutunanan ang kanyang first recipe.

"Nakita ko lang dati sa TV, puso ng saging burger meat yun ang una kong natutunan na ginaya ko lang and nakakatuwa kasi nagaya ko and masarap."

Hindi din nagpahuli ang aktres na Dimples Romana na aminadong nakalakihan na ang pagluluto.

"Kasi kapampangan ako so parang talagang bata palang ako talagang nagluluto na ako. And I grew up with a yaya tapos ang mama ko ang talagang nagluluto so kasabay ko yun ang mga naalala ko," pahayag ni Dimples.

Matitikman ang special menu ng LOVE Dish sa Maxims Restaurant ng Resorts World Manila simula September 21 to December 31, 2017.