What will Bea Alonzo and Ian Veneracion miss about each other?

A Love to Last is counting down to its last two episodes.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/21/2017 05:18 PM
What will Bea Alonzo and Ian Veneracion miss about each other?

 

Sa huling dalawang gabi ng top rating kilig teleserye na A Love to Last, magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ng mga bida nito para sa kanilang nalalapit na pagtatapos.

Sa panayam na ito sa last taping day ng teleserye, ibinahagi ng mga bituin ng programa ang kanilang mga hindi malilimutan sa kanilang halos siyam na buwan na pagsasama bilang isang pamilya.


"Ang ma-miss ko ay ito, lahat ng ito kasi naging isang pamilya kami dito and lahat ng jokes yung ka kulitan namin and yung gaan ng set, kung napapansin niyo napakagaan ng set namin," kwento ni Ian. 

Bukod sa buong pamilya ng A Love to Last, mami-miss din umano ni Ian ang kanilang masayang bonding ni Bea Alonzo.

"Kay Bea, ang mami-miss ko kay Bea, I will miss annoying her and I'm going to miss yung pang-aasar niya sa ‘kin pero I'm sure the friendship doesn't end here and I think we we'll be friends for life," ani pa ni Ian. 

Gaya ng kanyang co-star, masayang moments din sa set ng programa ang labis na mami-miss ng aktres na si Bea Alonzo.

 

The Gorgeous Bea Alonzo @beaalonzo sa huling gabi ng A Love To Last #BeaAlonzo #alovetolast

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Yung mga katrabaho ko, yung mga Agoncillos, mga Nobles, mga taga Good Events, and siyempre yung masasayang staff namin. Yung mga pang-aasar ni Papa E (Ian Veneracion), mami-miss ko yung banter namin everytime we see each other," pahayag ng aktres. 

Sinabi rin ni Enchong Dee na parang pamilya na ang turingan nila sa set ng TV series. 

"Siguro ang pagiging pag ka maka-pamilya, kasi sa show na ito lahat kasi naging pamilya na sa amin. ‘Yun ang mami-miss ko," sabi pa ni Enchong.  

Si Julia Baretto naman hahanap-hanapin ang bonding ng Pamilya Noble. 

"I will mis Papa E, Ate Bea, Ate Iza , Lucas (Jk Labajo) and everyone," sabi ni Julia.

Gaya ng ibang mga bida sa A Love To Last, magkahalong emosyon din ang nararamdaman ni JK Labajo.


"Nakaka-iyak kasi dati pag sinabing pack up na, yehey uwian na. Pero feeling ko ngayon pag sinabing pack up nakakalungkot na." 

Ngayong September 22 mapapanuod ang inaabangang pagtatapos ng A Love To Last matapos ang La Luna Sangre sa primetime bida.