• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennifer Collins met an accident early this month that led to the amputation of her leg.

Vice Ganda, na-amaze sa positivity ni Ms. Q&A contestant Jennifer Collins sa kabila ng trahedya

Jennifer Collins met an accident early this month that led to the amputation of her leg.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

09/21/2017 03:32 PM
Vice Ganda, na-amaze sa positivity ni Ms. Q&A contestant Jennifer Collins sa kabila ng trahedya

 

Nagpadala ng mensahe ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa dating Ms. Q&A contestant na si Jennifer Collins matapos maputulan ng binti dahil sa isang aksidente. 

READ: Ms. Q&A contestant Jennifer Collins malubhang naaksidente at nawalan ng binti


Ani ni Vice na nakapanood ng bidyo ni Jennifer sa ospital, nakakahanga ang kanyang katatagan.

"Sobra akong na-amazed sa positivity mo at nakaka-inspire kang tao. Gusto kong malaman mo na napakaganda mong nilalang at madami ang lumalakas ang loob dahil sa tapang na ipinapakita mo sa kanila. I'm so proud of you for being so brave and for being so beautiful."

Dagdag pa ng komedyante, susubukan niyang dalawin ito 'pag nagkaroon siya ng pagkakataon. 

Sa kabila ng pinagdaanan, nananatiling positibo at masayahin si Jennifer base sa mga posts niya sa social media. 

Sumali si Jennifer sa segment ng 'Showtime' noong Agosto 16.