Robin Padilla, tuloy na ang pag-alis sa bansa

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

09/21/2017 10:07 AM
Robin Padilla, tuloy na ang pag-alis sa bansa

Matapos magka-aberya ng kanyang biyahe sana papuntang China, tuloy na ang biyahe ni Robin Padilla paalis ng bansa. Naunang nagpahayag ng pagkadismaya ang aktor nang malaman na may “hold departure order” sa kanya ang Bureau of Immigration na mariin namang itinanggi ng BI.

Read: Bureau of Immigration says they did not prohibit Robin Padilla from leaving the Philippines

Sa Instagram, masayang ibinalita ng action star na makakaalis na siya.

“Purihin ang Panginoong Maylikha! Wala nang makapipigil sa aking muling paglalakbay. Maraming salamat sa mga bumubuo ng DFA sa assistance. Mabuhay!” ani Robin.

Nabigyan si Robin ng absolute pardon mula kay Presidente Rodrigo Duterte noong 2016.