• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera talks about how she has always looked beautiful inside and out.

Marian Rivera shares her best beauty and fashion secrets

Marian Rivera talks about how she has always looked beautiful inside and out.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

09/21/2017 10:00 AM
Marian Rivera shares her best beauty and fashion secrets

 

As one of the prettiest and busiest moms in showbiz today, Marian Rivera admitted she really puts in an effort to maintain her flawless beauty. “Ever since talaga maalaga ako sa skin ko and hindi pa ako artista medyo maarte na ako sa skin so what more ngayon. So nakuha ko yun sa mama ko kasi mama ko palagi nagpapaalala sa akin to take care of my skin so hindi yun nawawala sa akin. Ang number one sa akin pag naliligo ako kailangan malinis ang mukha ko. Kahit anong pagod ko hindi puwedeng hindi ako mag-moisturizer pagtanggal ng makeup. Masuwerte ako pag nagkaka-pimple ako isa-isa, minsan dalawa lang. Pero yung sobrang dami hindi talaga. Siguro nasa genes namin sa pamilya kasi lahat kami especially lola ko, mama ko, lahat kami maaarte (laughs),” she shared during her Maxi Peel Zero presscon held last September 19 in Makati city.

When it comes to keeping her multiple endorsements, the 33-year-old actress said her secret is that she has always been honest. “Isa siguro sa mga katangian ko kung bakit ganun is straightforward ako at honest akong tao. Pag sinabi kong ayoko, ayoko. Pag sinabi kong gusto ko at gagamitin ko, totoo yun,” she said.


The Maxi Peel Zero brand ambassador said being a hands-on mom is an added challenge to her beauty regimen. “Pressure yan kasi siyempre kapag nanay ka mawawalan ka ng time sa sarili mo. Yun yung totoo eh. Especially kapag dedicated ka, pag bagong panganak ka. Lahat yan medyo maiiba. Pero kapag maalaga ka sa sarili o babalik at babalik ka pa rin sa routine mo. Tulad ng sabi ko, ang head to toe ko talagang maalaga ako at hindi ko pababayaan ang sarili ko kasi meron akong motto sa buhay ko eh. Once na makita ng tao na minamahal mo at inaalagaan mo ang sarili mo, wala silang dahilan para hindi ka nila mahalin,” she explained.

As for her post-partum body that is the envy of every new mom, Marian said there is no big diet secret. “Hindi ako nag-da-diet. Malakas ako kumain. Yun ang totoo. Makikita mo yun sa mga nakakasama ko. Mabilis lang siguro yung metabolism ko. Nagpapa-breastfeed kasi ako hanggang ngayon so siguro isa yan sa mga factor kung bakit payat ako,” she said.

Even when it comes to fashion, Marian does not want to make a big fuss. “Actually parati kong sinasabi na hindi ako fashionista. Hindi talaga. Ako isusuot ko kung ano yung nafi-feel ko. Isusuot ko kung ano yung gusto ko. Hindi ako makiki-go with the flow sa fashion trend ngayon kung hindi babagay sa akin. Basta magiging comfortable ako and at the same time gusto ko yung sinusuot ko,” she added.

Having a happy family life is Marian’s biggest inspirations. “Diyosko pag makita ko yung anak ko happy heart na ako. Smile pa lang ng anak ko pag galing ako trabaho may energy na agad ako. So priceless talaga ang pagiging nanay especially pag linu-look forward mo na pag-uwi mo ng bahay nandiyan yung anak mo para hintayin ka. Importante talaga at malinaw sa akin na ang trabaho ay trabaho. Iba ang personal na buhay at lahat ito ay importante. Lahat ito nabuo ako dahil sa labas at loob ng showbiz. Pero importante pa rin na pagkatapos ng lahat ng trabaho mo, may pamilya ka na totoong buhay mo talaga na meron kang ginagampanan bilang ina,” she said.