• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado gives a tip to women who love like her character Grace in ‘A Love to Last’.

EXCLUSIVE: Iza Calzado says that being ‘tanga’ in love is part of learning

Iza Calzado gives a tip to women who love like her character Grace in ‘A Love to Last’.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/21/2017 10:01 AM
EXCLUSIVE: Iza Calzado says that being ‘tanga’ in love is part of learning

 

Exclusive sa PUSH, sinabi ni Iza Calzado kung sino ang mami-miss niya ngayong patapos na ang seryeng A Love to Last kung saan gumanganap siya bilang si Grace. Anya, “There’s not one person naman that I will miss most. Maybe Grace. I’ll miss Grace because she was a challenge. She was fun to play. She is parang exciting, challenging in so many levels, in so many ways.”

Sinabi din daw niya sa co-star niyang si Bea Alonzo na, “I realized with this soap opera, that there’s really a lot to be said about gray characters. Whereas, if you’re just martyr, yung inaapi-aping bida, boring e. What’s your hugot? So parang mas well rounded the bida-kontrabida talaga.”


Naiintindihan naman ni Iza ang mga babaeng nagpaka-tanga dahil sa love. “Lahat naman tayo ‘di ba dumadaan naman tayo sa relationships na medyo tanga ka na. Dadating talaga yan sa buhay mo. You need to have at least one. It’s a learning curve. Parang kasama siya sa buhay, but you have to know your worth. You have to draw the line kapag nawalan ka na ng dignidad, it's the time to stop. But then it’s easier said than done.”

Nagbigay din ng tip si Iza para sa mga babaeng nagmahal ng sobra katulad ng pagmamahal ni Grace kay Anton. “Maybe the best talaga is take yourself outside of that relationship, that environment. The problem (with Grace) is she stayed in the Philippines e. She kept seeing Anton, that's why she kept believing that it was still possible. You can’t blame her. Feeling din to e, si Grace. Lakas din ng kompyansa niya sa sarili niya. Gets ko naman siya dun, lakas din ng kompyansa ko minsan.”