• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Marlou na nagpapagaling pa siya sa naganap na procedure sa kanyang mukha.

Ano na nga ba ang itsura ni Marlou Arizala matapos ang kanyang pagpaparetoke ng mukha?

Sinabi ni Marlou na nagpapagaling pa siya sa naganap na procedure sa kanyang mukha.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/21/2017 07:15 PM
Ano na nga ba ang itsura ni Marlou Arizala matapos ang kanyang pagpaparetoke ng mukha?

 

Ang dating Hash-T5 member na si Marlou Arizala, na may screen name na din ngayon na Xander Ford, ay nag-update sa kanyang social media account tungkol sa estado ng kanyang pagpaparetoke ng mukha. 

Matatandaang nagpaalam si Marlou sa dati niyang itsura sa kanyang Facebook page at sumailalim sa isang cosmetic surgery procedure noong September 4. 
 
Read: Is Marlou Arizala undergoing plastic surgery?


Nagbigay ng update si Marlou dahil sa mga iba’t ibang larawan na kumakalat tungkol sa kanyang bagong istura. 

“Actual face ko ngayon. 3 weeks bago tanggalin ang benda. 2 months pa para sa healing ng mukha ko. Kaya wag po kayo excited,” pahayag ni Marlou. 

Dagdag pa ng online sensation na ‘wag daw maniwala agad sa mga kumakalat na litrato niya dahil siya mismo ang magrereveal nito sa kanyang mga followers.