Will Devaughn considers gay people as a ‘gift’ to men

Will Devaughn admits he still gets indecent proposals.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/20/2017 10:50 AM
Will Devaughn considers gay people as a ‘gift’ to men
Photo credits to willdevaughn IG

 

May dahilan kung bakit malapit ang loob ni Will Devaughn sa mga miyembro ng third sex.

“May kapatid kasi akong bading. Sobrang dali lang sa akin na pakisamahan sila. Tapos open minded din ako, like walang negative or something in my mind about them.


“Whatever exists sa mundo, I tried to accept it no matter what it is. Kasi nandiyan sila as a gift. You just have to understand,” paliwang ni Will sa interbyu ng PUSH.

Normal na rin daw sa kanya ang nakakatanggap ng indecent proposals from gays.

“Hanggang ngayon meron, pero deadma lang ako. Nakakatawa minsan, eh, like yung mga sinasabi, pero nakakatuwa rin at the same time. Hindi naman ako nagagalit.

“Feeling ko totoo naman yung sinasabi nila, yung gusto nilang ibigay, I don’t know… pero para sa akin, I have to work for whatever I want,” sambit pa niya.

Naikuwento rin ni Will sa PUSH ang tungkol sa isang texter na nag-offer sa kanya ng P500 thousand na ang buong akala niya ay talent fee ng isang project.

Kuwento ni Will, “Nag-text siya, akala ko project. Sabi niya, ‘Hi, Will, I work for the government, ganyan, ganyan. Would you be willing to meet for a project for P500 thousand?’

“So sabi ko, ‘Ah, yeah. Ano yung project? And then sinabi na niya. Sabi ko, ‘Wait, teka muna, it’s not…’

“It’s different when you have a sense of goal in your life and you know it’s there. I mean, hindi naman kailangan yon, for me. Never akong na-tempt, never,” diin pa niya.

Samantala, inamin ni Will na late na niyang nalaman na gay ang kanyang kapatid dahil bawal sa pamilya nila ang bakla.

“Dati po kasi, yung tatay ko who is a military, tapos black American pa, so bawal ang magiging bakla sa pamilya namin.

“Alam mo, I never knew until my brother was 27 and I was 23, he came out. Isipin mo, that entire time na… tinago niya, takot siya. After I left the house of my stepfather, that’s when I started to have a more open mind and embrace everything about my brother.

“I love him. I wish I would see him more often. Nung dumalaw siya sa akin dito sa Philippines at nag-stay siya sa akin, it was the most amazing experience that I’ve ever had,” pahayag ni Will sa PUSH.