Emotional Richard Yap sympathizes with the parents of slain hazing victim

Richard Yap tears up over the death of UST hazing victim

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/20/2017 11:06 AM
Emotional Richard Yap sympathizes with the parents of slain hazing victim

 

Sa isang ulat sa TV Patrol, hindi napigilang mapaluha ni Richard Yap dahil sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, isang law freshman sa University of Sto. Tomas na namatay dahil diumano sa hazing. "For a parent, grabe iyong sakit. Nararamdaman mo sa tatay niya kung gaano kasakit na iyong anak mo na inalagaan mo ay papatayin lang just like that, for no reason at all." 

Namataan ang sugatang katawan ng biktima sa isang sidewalk sa Balut, Tondo ilang oras matapos ang welcoming ceremony ng Aegis Juris fraternity. Suspended na rin lahat ng member ng fraternity.


May mensahe din si Richard sa mga responsible sa pagkamatay ni Castillo. "I think they should all come forward and tell the family what happened. I don't think you can live with whatever you've done. It would be very cowardly for you to do that.”

Dagdag pa niya, “Hurting people in the name of brotherhood is not brotherhood. It's just violence so own up to what you did.”

Ayon kay Richard, kilala niya ang biktima dahil sa kanyang anak na babae. "Mabait na bata at masipag mag-aral. That's why he was able to go into law school." Para rin kay Richard ang nangyari ay "waste of life."